"Wala kang pakialam." Tipid na sabi na lang ni Christian.

She looked at me with a blaming stare. I just smiled at her. "Wala akong ginawa sa kanila." Depensa ko agad.

"Ayaw lang talaga namin sa makati." Bulong ni Tom pero rinig naman kaya nagtawanan ang boys. Especially Jay who's laughing very loud. I'm sure that his laugh can be heard along the hallway. Sobrang lakas kasi.

"Lagot kayo kay Zild!" She shouted and walked out. Nagkatinginan na lang sila at mahinang natawa sa sinabi niya. I just laughed a bit. As if Zild will go to her side than these boys.

Tumingin ako sa kanila. "You're so mean to her." Dahil sa sinabi ko, tumingin na din sila sa akin. Kung masungit at malamig ang itsura at tingin nila kanina, now, it's different.

Dino smiled. "Hindi lang talaga namin gusto ang ugali niya. She's not like you. Ikaw kasi, simple. Siya, maarte." Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"At isa pa! Hindi siya ang para kay Zild!" Jay said all of a sudden kaya tumingin naman ako sa kanya. He grinned while looking at me so my brows furrowed. "Kundi 'yung best friend ko!" Sabi niya dahilan para tumango-tango ang boys samantalang napakunot noo naman ako.

"Sino? Si Darren? Or si Inigo? Teka, bakla si Zild?" Nanlaki ang mga mata ko while they all froze. They all looked at each other then turned their gazes on me. They all looked at me like I'm the most idiot person in the world. "W-What?" Nauutal kong tanong dahil kinakabahan ako sa mga tingin nila. Nagtanong lang naman ako ah? Is there something wrong about my question? Because he said that his best friend is the one for the tiger. Eh dalawa lang naman ang alam kong best friend niya, si Darren at Inigo.

"Honor roll ka ba talaga?" Nababagot na tanong ni Jay sa akin.

"Gusto mo isampal ko sayo report card ko?" I asked and raised a brow. Umiling lang siya and looked at the boys.

They went silent for how many minutes and then they all laughed their ass off. "Bakla! Pfft.." Natatawang sabi nila. I laughed a bit when I realized na tinanong ko kung bakla si Zild.

I shrugged then I heard the bell rang. Saktong pumasok si Zild kasabay si Sir Valle. "Good morning!" Bati ni Sir and we greeted back.

Natahimik naman kami at napalingon sa tigre ng bigla naming narinig ang tunog ng upuan. Then we noticed that he pulled his seat closer to mine. Hindi kasi dikit-dikit masyado ang mga upuan. But now, dinikit niya ang upuan niya sa upuan ko. Then he sat down at inub-ob ang mukha sa mesa. Obviously, he's going to sleep again.

There was a long silence after that when Jay suddenly clapped his hands and smirked like a murderer planning for a crime. "Nagsisimula na ba?" Tanong nito. Kinunotan ko lang siya ng noo while the others just laughed at him including Sir Valle who's smiling at me.

Bigla namang may librong tumama sa noo ni Jay dahilan para mapahawak siys dito at mapatili. "Shut up." Si Zild pala 'yun. I looked at him and saw him glaring at Jay. But he slowly turned his gaze to me at bigla na lang ngumisi at natulog ulit.

Nagtawanan ang mga kaklase namin pati na din si Sir Valle. I just hissed and closed my eyes for maybe two seconds.

What's wrong with these people? And also for my heart who's pounding again?

---

"Oh my geeeee!" I nearly slapped Lucy for shouting that. Nangingisay-ngisay pa siya at parang inaatake ng kung ano mang sakit na meron siya.

I balled the tissue paper and threw it at her forehead. "Umayos ka nga. Nasa cafeteria tayo. Gaga!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at namura na siya. But she didn't mind and still grinned at me. Pinagtitinginan na siya dito and still, wala pa din siyang pake. I don't know kung bakit gano'n ang reaction niya matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa classroom namin kanina. Yep, I told her everything that happened. Hindi ko kasi maintindihan ang mga boys. They keep on laughing and grinning at me whenever they noticed the moves of Zild. Ewan ko din sa tigre na 'yon. Una 'yong upuan, inilapit niya. After some minutes, nahulog 'yung ballpen ko. I thought he's sleeping but I was surprised when he suddenly raised his head and fetch my ballpen. Third, sa second subject namin, siya ang sumagot sa seatwork namin. Hindi lang 'yung kanya, pati din sa akin. I can't ask him about whatever he is doing dahil pinapangunahan ako ng kaba. Tangina! What's happening with those people? And also to my heart na ang bilis-bilis ng tibok kanina?

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now