Chapter 50: Voices

Start from the beginning
                                    

The ball is still in his hands na parang ipapasok na ang bola pero nakatigil lang ito sa ere. When he started moving his head, agad na akong kumilos. I took the ball at wala siyang nagawa. Tumakbo ako papunta sa ring and shoot it while standing in the three-point line. Now, apat na puntos na ang lamang ko.

Mukhang nagising lang ang lahat ng humiyaw-hiyaw sila Jay at Lucy. They are jumping with gladness na akala mo'y nanalo na ako. I just shook my head. What a weird couple.

"You dared say my name?" Agad akong natigilan at gano'n din ang lahat ng may marinig akong nagsalita mula sa likod ko. I am now sure that he's mad. And like the other girls, I'm sure he will put shame on me. I calmed myself and breathe deeply. Bakit naman ako matatakot sa kanya? I don't fear him. Hindi siya ang boss at wala siyang karapatan na pagbawalan ako sa pagsasabi ng pangalan niya.

"She's a dead meat now."

Narinig ko pa ang sinabi ng isang estudyante bago ko siya hinarap. And again, those blank eyes greeted me. I can't see anything. It was just a blank stare.

Inayos ko ang sarili ko bago tumikhim at nagsalita. "Why? Masama na bang sabihin ang pangalan mo?" They all gasped again because of that and I saw Darren in my peripheral vision looking at me. Saglit akong napalingon sa kanya at doon siya biglang yumuko at parang may malalim na iniisip. What's up with the Happy Guy?

Tumingin ako ulit sa tigre and I was surprised to see him smiling like and idiot. And for the third time, all students gasped unbelievably. May ilan pa ngang nahimatay dahil ang tigre ng AU, smiled for the first time. Hindi naman ito ang unang beses, pero ito ata ang unang beses na nakita nila siyang ngumiti. I felt something inside me kaya nag-iwas ako ng tingin. My heart, kumalma ka. Tangina.

"Calling my name as a distraction will be a nice tactic. But you can't defeat me just using your brain." Sabi niya at ngumisi muna bago ako tinalikuran. I heard the buzzer at agad akong naglakad palapit kina Lucy na nakangisi sa akin ng nakakaloko. Ngumisi na lang din ako at kinuha ang bote ng tubig na inaabot sa akin ni Darren. Ha! At least I am now ahead with four points.

"Buti hindi niya ginawa sayo 'yun." Natatawang sabi ni Inigo and I just nodded at him. Siguro tinutukoy niya 'yung about sa pagpapahiya niya sa mga babae. I sat on the bench at napaisip saglit. How many time did he do that? Inisip kong mabuti pero inis lang akong napapadyak. I don't know. Putangina naman oh. Tama nga si Lucy, para akong hindi estudyante ng AU dahil hindi ko man lang alam ang mga nangyayari dito habang nag-aaral din naman ako dito. Or I was too busy being a Tolentino or a valedictorian? Psh.

Tumayo na ako ng tumunog ang buzzer at tumingin sa timer. 27 seconds and this is over. Siguro mahihirapan na akong maka-score so I will just blocked his way. Patatagalin ko na lang ang laro.

The referee gave him the ball and I immediately blocked his way. I saw him smirked at tumigil sa pag-dribble ng bola. He moved his right foot backward and started dribbling the ball and moved his left foot to the right side. Kumunot ang noo ko when my sight immediately became blurry. Nawala naman ito agad at saktong napansin kong lulusot siya sa kaliwa ko so I blocked him but he immediately went back at lumusot sa kanan ko. I just rolled my eyes and let him shoot the ball. Nililito niya ako sa galaw ng mga paa niya. His moves are too fast. Hindi nga ako sigurado kung talagang kaliwa ba o kanan ang ginagalaw niya. And what's wrong with my sight a while ago? Bakit biglang lumabo ang paningin ko?

"20 seconds. One point." Umirap ako ulit sa sinabi niya and took a deep breath. Isang puntos na lang at magkakapantay na kami. I just noticed na puro sa three-point line kami nagshu-shoot.

The referee gave me the ball and I didn't waste any time at tumakbo papunta sa ring. But as what I expected, naabutan niya ako. He tried stealing the ball but I didn't let him. Pinatagal ko pa ang agawan ng ilang segundo.

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now