Chapter 48: Help Rejected

Start from the beginning
                                    

"Shit!" Agad naman siyang umilag bago pa siya tamaan ng bag ko. Nang makatayo na siya ng maayos, I glared at him and he laughed at me. "Seriously? Hindi ko alam na magugulatin ka pala."

"Oh shut up. Give me my bag." Sabi ko at tumawa na naman siya. Wala naman siyang sinabi at pinulot na lang ang bag ko and gave it back to me. Fuck this asshole. Nagulat ako doon.

Umupo naman siya sa tabi ko, sa upuan ni Jay. "Hindi pa tayo aalis?" Tanong ni Niko at umiling ako.

"Wala pa 'yung pinsan mo." I said and smirked at him. I heard him tsk-ed at bahagya lang akong natawa. Ayaw niya talaga sa tigre na 'yun, ano?

"Hayaan mo na 'yon. Iwan na lang natin-" Someone cut him off.

"Sinong iiwan?" Sabay kaming napalingon ni Niko sa taong nakasandal sa pader malapit sa pinto. Teka wait, tao nga ba o hayop? Oh nevermind.

Tumayo naman si Niko. "Ikaw."

The tiger crossed his arms. "So it looks like ako ang pinag-uusapan niyo kahit na kayong dalawa naman ang magkasama." Sabi niya at ngumisi pa. Nakita kong kumuyom ang mga kamao ni Niko na tila ba naaasar sa sinabi ni Alvarez.

"Pinag-uusapan lang namin kung gaano ka kasama." Hirit naman ni Niko at napa-facepalm na lang ako. Seriously? Nagsagutan talaga sila dito? May pupuntahan pa kaya kami!

I looked at the wall clock of the classroom and saw that it's already 5:30 in the afternoon. Nagulat pa ako. 'Di nga? 30 minutes na pala ang lumipas.

Leche.

"Hep!" Pagsingit ko ng magsasalita pa sana ulit sila. Sabay naman silang tumingin sa akin. I stood up and wore my bag. Tumingin ako sa kanila. "Sumunod na lang kayo kapag marunong na kayong manahimik. Mga bwiset."

Taas noo akong nagmartsa palabas ng classroom. Oha! Walang lingon-lingon pa 'yon. Kung gusto nila, magbugbugan ulit sila doon. I don't care anymore. Bahala sila sa buhay nila. Tsk.

Ilang minuto lang ay naramdaman ko na ang mga presensya nila sa likod ko. Tahimik lang sila pero nararamdaman kong nagsisikuhan sila. I just rolled my eyes heavenwards and didn't mind. Bahala sila d'yan.

Bago kami tuluyang makalabas ng gate, huminto ako at humarap sa kanilang dalawa. Mukhang nagulat pa sila dahil medyo malapit ako. I just averted my gaze and took one step backward. Nang makaatras ako, I took two caps and two shades out of my bag. Tumingin ako sa kanila at binigay iyon.

Kumunot naman ang mga noo nila. "Aanhin namin ito?" The tiger asked.

"Kainin mo." I said with sarcasm at nakita kong tinawanan siya ni Niko habang nakatingin siya sa akin ng masama. Umirap lang ako. Common sense naman diba? Ano bang ginagawa sa cap at shades? Tsk. "Suotin niyo 'yan hanggang sa makarating tayo sa kotse. Suotin niyo ulit kapag nando'n na tayo sa pupuntahan natin. Gets niyo?" Tanong ko. They both nodded but I noticed Alvarez whispering some words to the air. Hindi ko naman marinig pero mukhang tungkol sa akin ang mga sinasabi niya. Psh.

Nang maisuot nila 'yon, agad kaming lumabas ng gate. I immediately noticed some cars parked infront of AU at mga taong nakatayo malapit doon. They have cameras. Tsk. Mga paparazzi?

Mukhang hindi naman nila kami napansin. Tumingin ako sa relo ko at nakitang 5:41 na. Time is so fast. Nagsayang pa kasi ng oras 'tong dalawang ito sa pagbabangayan eh. Saktong pag-angat ko ng ulo ko ay nakita ko ang kotse namin na paparating.

It stopped infront of us at agad akong tumingin doon sa dalawa na napansin kong todo takip sa mga mukha nila. Mga tanga talaga. Edi mas lalo silang mahahalata.

Magsasalita pa sana ako ng may marinig akong sumigaw mula sa grupo ng mga reporters na 'yon. "Ayun sila!"

"Hop in!" I immediately said. Sumakay silang dalawa agad sa backseat at ako naman sa passenger seat. Nakita ko kaagad ang pagkunot ng noo ni Manong Sic.

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now