SDTR: Kabanata 20

Start from the beginning
                                    

Tumayo ako para silipin iyon at napaawang ang bibig ko nang makita ko sa tapat ng bahay namin si Marcus na may hawak ng gitara, si Troy na nakaupo sa isang drum set at si Ethan na may hawak ding gitara.

"Claire, don't you dare!" Banta saakin ni Jenica, huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang braso niya, "Ako na ang bahala Jenica, pagbigyan mo na ako." Pakiusap ko sakanya, ramdam ko ang pamamaga ng mata ko ngayong umaga at maging yung masakit kong ulo nararamdaman ko ngayon.

"Promise Jenica, huli na 'to." Paninigurado ko sakanya, tumango tango siya saakin. Binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap bago ako tuluyang lumabas ng bahay.

Titig na titig saakin si Ethan ngayon, kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano siya ka-guilty. Kung gaano siya humihingi ng tawad dahil sa mga sakit na nararamdaman ko ngayon. Bumaling ako kay Marcus, nginisian niya ako at umiling. "Pasensya ka na uso kasi korni samin." Natatawang sabi ni Marcus, nginitian ko lang siya. Napatingin naman ako kay Troy na ngayon ko lang ulit nakita, pinapaikot niya sa mga daliri niya ang drumstick na hawak niya at hinahampas hampas iyon sa drum, bumaling siya saakin at nginitian niya ako sabay tango.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sakanya, isang matipid na ngiti ang ibinigay ko sakanya pero hindi naging sagabal iyon para hindi nila ituloy ang binabalak nilang pagtugtog. Kaagad nagtayuan ang balahibo ko nang marinig kong pilit pinapasigla ni Ethan ang boses niya sa pagkanta, punong puno rin ng hinanakit iyon at kahit na alam kong masaya ang hinahatid ng kanta, iba yung nararamdaman naming dalawa.

~~Wherever I go

Whatever I do
Stay by my side
'Cause baby it's always better with you~~

Napangiti ako dahil sa mga ngisi ni Marcus at Troy, si Troy na may head phones habang tumutugtog ng drum ganadong ganado, para bang yun ang hilig niya. Masaya na rin akong malaman na maayos na si Marcus at Ethan, sa hinaba haba ng pagbabangayan nilang dalawa nakakatuwang isipin na nagkasundo sila dahil kay Ara, dahil sa best friend ko na ngayon ay malapit na yatang pakasalan ni Marcus.

~~You make a bad day better than good

You make me feel better than I should
You understand when I'm misunderstood
Like no one else ever could
And girl you show me things I never see
If you were never there to see them with me
And when I get a little too crazy
You are my sanity
And everything will be okay~~

Tinitigan ko siya, isang mapait na ngiti ang ibinigay ko sakanya. Ipinikit niya ang mata niya at sa isang iglap lang bumagsak ang luha niya na sa tingin ko kanina pa niya pinipigilan. Nasasaktan akong makitang ganyan siya kahina, nasasaktan akong makita na pinipilit niyang maging malakas para saakin, kahit na ang totoo ay hinang hina na siya at wala na siyang mapagkuhanan ng lakas. Muli niyang iminulat ang mata niya at pinagtagpo ang mata naming dalawa.

~~Girl it doesn't matter where we go

Cuz you always make it feel like it's home
When I'm with youuu
Ooooh Ooooh Ooooh

Wherever I go
Whatever I do
Stay by my side
Cuz baby it's always better with you
Girl When I'm alone
You're where I belong~~

At nang matapos siyang kumanta mabilis niyang pinunasan ang luha niya. Iyakin. Napapangiti ako pero kasabay non ang panghihinayang ko ngayon. Isang Ethan Luke Cando ang nagpapakita saakin ng pagkaiyakin niya. Sa buong buhay ko ngayon ko lang siya nakitang mahina. Dahil nung unang beses ko siyang nakita masasabi kong napakatapang niya, responsable sa lahat ng bagay, kung iisipin mabuti, para saakin perpekto na siya. Masaya akong makilala siyang lalo, yung mga sides niyang hindi ko inasahan na mayroon siya mas lalo kong minahal.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now