Chapter 45: Run and Arguments

Start from the beginning
                                        

Natigilan ako.

Shit. Tinanong ko ba talaga 'yun?

Napailing-iling ako. Mali 'yun, nagkamali lang ako.

Namayani ang katahimikan sa amin at naiilang ako. Hindi ko din alam, pero noon naman ay ayos lang kahit tahimik kami. Pero kapag sobrang tahimik, nagwawala na ang puso ko. Gusto ko tuloy itong sigawan na kumalma pero alam kong inposible din 'yon. Hindi kaya may sakit ako sa puso? Kailangan ko na atang magpa-check up. My heart might have an abnormality.

Nang hindi na ako mapakali, nagsalita na ako. "Ano pa lang ginagawa mo kanina doon?" I asked. Ako na unang magtatanong kaysa naman patuloy pa akong mailang.

Imbes na sumagot, may kinuha siya sa bulsa niya at nagulat ako ng makita ang phone ko. Inabot niya sa akin 'yon at mabilis ko itong kinuha. "Naiwan mo 'yan sa bahay kanina. That's why I followed you. Baka din kasi mapahamak ka sabi ni Yaya Cassy," sabi niya at napalunok ako.

"B-bakit? Nag-aalala ka?" tanong ko at kumunot ang noo niya.

"No. Alam ko kasing may pagka-tanga ka at baka maligaw ka, that subdivision is bigger than you thought. You might get lost at mag-aalala lang si Yaya Linda para sayo. And see? Napunta ka nga sa teritory ng mga basagulero na 'yun, tsk," aniya. Si Yaya Linda pala ang inaalala niya. Why do I feel disappointed? Psh. Pero tama naman siya, ang laki ng subdivision nila at naligaw ako. Pero hindi din naman 'yun mangyayari kung hindi niya ako pinaalis sa bahay nila. Though, balak ko naman na talagang umalis bago pa siya dumating.

Bigla naman akong may naisip. "Atleast ako nagawa kong suntukin ang isa sa kanila, eh ikaw?"

Tumaas saglit ang isang kilay niya. "I kicked one of them."

"Tumakbo ka."

"Sumama ka."

"Hinila mo ako."

"Ginusto mo."

Natigilan ako saglit sa huli niyang sinabi. A-ano? Ginusto ko? Aba'y gago! Sinong may sabing gusto ko?

"Hoy! Hindi ko ginusto 'yon! Hinawakan mo kaya 'yung kamay ko sabay hila!" saad ko. Diba? Siya ang nanghawak at humila. Hinayaan ko lang dahil alam kong hindi naman niya ako bibitawan.

"But you can easily get your hand from me but you didn't."

"Syempre gusto ko din tumakbo palayo sa kanila."

"Edi ginusto mo nga."

Napasapo na lang ako sa noo ko dahil wala na akong pang-depensa mula sa kanya. Bwiset na lalaking 'to. Bakit ang dami niya atang baon?

Napatingin ako sa kanya na nakaharap na ngayon sa lawa pero ang lawak pa din ng ngisi sa labi. Pero ang totoo, pinipigilan niya lang talagang tumawa. Psh.

"Sige lang, tumawa ka lang," I said and there, he immediately burst out laughing.

Natigilan ako sandali habang pinagmamasdan siya. Kung iisipin, ito ang unang beses na nakita ko siyang tumawa ng ganyan. It's real, the tiger of AU are laughing.

Napailing-iling ako at napaharap sa dagat. And I don't know why, pero napangiti ako.

"Kung makatawa naman akala mo kung sino. Ang lakas ng loob magbanta na puputulan sila ng ulo pero 'yun naman pala, tatakbo din. Ano kaya 'yun?" pagpaparinig ko dahil naso-sobrahan na siya sa pagtawa. Akala mo wala ng bukas eh. At syempre, para tumigil na siya. Inaatake na naman ata kasi ang puso ko, nagwawala na naman. Putspa.

Gaya ng inasahan, tumigil agad siya sa pagtawa at tumingin sa akin. "What are you saying?"

I looked at him. "Nothing. May bakla kasi akong nakita kanina, akala mo lalaki kung umasta pero bigla na lang tumakbo," sarcastic na sabi ko at tinignan niya ako ng matalim. Pero imbes na matakot, natawa na lang ako. I already received hundreds of death glares from him. Ngayon pa ba ako matatakot? Maliban na lang siguro kung 'yung mga mata na ginamit niya kanina ang gagamitin niya para tignan ako. 'Yung itsura niya talaga kasi no'ng tinignan niya ang mga lalaki na 'yon, nakakatakot. Para bang handa na siyang pumatay kapag humakbang pa sila ng isang beses. Okay na sana eh. Kaso, hihilahin naman pala ako patakbo. Ano 'yun?

"Tell me, is saving a stupid girl by running away is a sign of gayness?"

Natigilan naman ako sa sinabi niya. "You saved me?" tanong ko. Para kasing 'yun din ang punto ng sinabi niya, na niligtas niya ako.

He smirked. "Sa tingin mo?"

"I don't need to be saved." Seryosong saad ko kahit na hindi naman talaga. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil pumunta siya kanina. Pero siguro ayaw ko din magkaroon ng utang na loob sa kanya kaya ko dine-deny.

"Yes, you need. Kung hindi ako dumating kanina, don't you think buhay ka pa?"

"Yes, I can defend myself, mister," sarcastic na sabi ko sa kanya and he only shook his head while smirking.

"Sometimes, ibaba mo din 'yang pride mo," ang sunod niyang sinabi ang hindi ko talaga nagustuhan. Matatawag ba 'tong pagkakaroon ng mataas na pride? I only don't want na magkaroon ng utang na loob sa kanya dahil maaaring isumbat niya sa akin 'yon. I know this guy, hindi pa gano'n kalalim pero alam kong gagawin niya ang lahat para siya ang magmukhang tama. Tuso siya... tulad ng mga tigre.

"Okay fine, kailangan ko talaga ng tutulong sa akin kanina," I said at nakita kong napangisi siya.

"I knew i-" I cut him off.

"Pero kailangan ko din ng tulong kahapon," I said at agad ding nawala ang ngisi niya. Ilang beses ko na ba siyang nasumbatan ng magkakilala kami? Hindi ko na alam, hindi ko na mabilang. Pero sa lahat ng 'yon, hindi siya natuto. "Salamat kasi niligtas mo ako kanina. Salamat kasi binalik mo 'yung phone ko. Salamat para sa pagkain. And thank you, thank you for not coming yesterday dahil lang sa mga napag-usapan natin sa library," dagdag ko pa at nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Like yesterday, hindi ko na naman mabasa ang ekspresyon niya. Masyado na namang blangko.

Napangisi ako. "Ngayon sabihin mo sa akin, sino ang may mas mataas na pride? Ako ba?"

Hindi siya nakasagot kaya tumayo na lang ako at tinalikuran siya.

Natawa ako ng bahagya. Okay lang ang pag-aasaran namin kanina pero tignan mo ngayon, nagsumbatan din naman kami sa huli.

Malabo na talaga. Hindi na posible. Ngayon ko napatunayan na hindi pwede, na mukhang kahit kailan, hindi na kami magkakasundo pa.

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now