"Salamat," I said at nakita kong saglit siyang natigilan. He looked at me pero agad din niyang binalik ang tingin sa pagkain niya. Then he started eating.
Nagkibit balikat na lang ako. Kahit naman masama ugali nito, binigyan niya pa din naman ako ng pagkain. Marunong din naman akong magpasalamat sa taong may ginawang mabuti. Pero marunong din akong lumaban kapag kinanti ako. Noon nga lang hindi. I really don't know kung bakit ngayon ay nasasabi ko na ang gusto ko at nakagagalaw na ng maayos. Dati kasi, kung gumalaw ako ay limitado lang. Iniingatan ko ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Except nga lang kapag si Lucy naman ang kausap ko. Kahit murahin ko pa ng isang daang beses 'yun, hindi 'yun magagalit. Pero kapag ibang tao, akala mo anghel ako sa sobrang bait. Kahit nga ang daming bitch at bully sa classroom hinayaan ko lang. It's because I'm afraid na may magawa akong masama na makakasira ng pangalan ng pamilya ko. Bilin pa man din sa akin ni Lolo noon, kapag galit ka daw dapat marunong kang manahimik. Kaya kahit gigil na gigil na ako, nananahimik ako.
But now, what happened? Kahit hindi na si Lucy ang sinasaktan, pinagtatanggol ko. Like Clarisse noong pagsalitaan siya ng masama ng mga kaklase ko. Maging ang Section C na tinulungan ko laban kay nila Kuya Harry. What's really happening to me? Madami ng nagsabi noon na palaban ako. Lalo na noong nandoon pa kami sa ibang bansa. Pero hindi ko alam kung bakit mas naging palaban ako ngayon.
I really wonder dahil nagsimula lang naman ito noong.... natigilan ako. Nagsimula ito noong sinuntok ko siya. Noong sinuntok ko ang tigre ng AU.
I looked at him na tahimik lang na sumusubo. Bumilis ulit ang tibok ng puso ko ng lumingon siya dahil siguro naramdaman niyang nakatingin ako sa kanya. Agad akong nag-iwas ng tingin. Shit na malutong. Ano bang nangyayari sa akin?
I only shook my head at nagsimulang kumain. Ramdam ko ang pagsulyap niya pero hindi ko na siya tinignan ulit. Baka kasi may maramdaman na naman akong kakaiba, mahirap na.
Agad kong natapos ang kinakain ko dahil doon lang naman ako nakatingin. Bawat subo, bawat lunok at bawat pagpipigil na linungin siya ay sobrang hirap. Hayst. Nababaliw na talaga ako.
"I thought Darren and Jay are only joking when they said that you're an eating monster, pero nagkamali pala ako."
That's it! Hindi ko na napigilan pang lumingon ng siya na mismo ang nagsalita. Kumunot ang noo ko. Eating monster? Ako? Bwiset na Darren at Jay 'yun ah.
Nakangisi siya sa akin ngayon at tinaasan ko siya ng kilay. "Okay ng eating monster, kaysa naman masama ang ugali," sabi ko at lumaki ang ngisi niya.
"It's okay to be bad because I am handsome, eh ikaw?" napanganga ako sa sinabi niya. Ang hangin din, ano? At itong kupal na 'to, mukhang sinasabi pang pangit ako. Oh well, hindi naman ako naniniwalang maganda ako. Pero hindi din naman ako papayag na masabihang panget.
"Hindi ako maganda, pero matalino ako. How about you?" tanong ko.
He grinned. "Intelligence is not always the bridge to success. Because most of the time, the words 'I can' works than IQ," he said at natahimik ako saglit. May punto siya doon. Hindi importanteng matalino ka para magtagumpay. Minsan, kailangan mo lang maniwalang kaya mo.
Pero teka! Bakit napunta na kami sa gano'ng usapan? Nasa asaran lang kami kanina, ah?
"Huwag mong ibahin ang usapan para manalo ka," sabi ko. Nagkibit balikat lang naman siya at tumingin na ako sa dagat na nasa harapan namin.
Bigla kong naalala 'yung kahapon. Sa totoo lang, okay lang naman na hindi siya pumunta dahil alam kong nasaktan ko din siya doon sa nasabi ko sa library. Pero nakaka-insulto din naman kasing makita silang dalawa ni Celestine sa mall na magkasama. Tapos pinahiya niya pa ako sa harapan ng babaeng 'yon. I just can't accept the fact na mas pinili niya ang babaeng 'yon kaysa sa competition sa MTAP. Mas mahalaga ba 'yon para sa kanya? Mas mahalaga ba si Celestine kaysa sa akin?
YOU ARE READING
Finding Ms. Right
Teen FictionSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...
Chapter 45: Run and Arguments
Start from the beginning
