"Mga tanga! Tayo dali!"
Narinig ko ang sigaw ng leader nila. Sinubukan pa nila kaming habulin pero nakalayo na kami. Nakalabas na kami ng gate ng subdivision at agad na pumara si Alvarez ng taxi.
May huminto naman agad at dali-dali kaming sumakay dahil papalapit na din sila. Ang kaso, bago pa nila kami malapitan ay pinaandar na ni Manong driver ang taxi. Binehlatan ko sila mula sa bintana at nakita ko sa peripheral vision ko na may sinabi siya sa driver. Hindi ko narinig pero mukhang sinabi niya kung saan kami papunta.
"Ano bang nangyari sa inyo at pawis na pawis kayo?" tanong ng driver at nagkatingin kaming dalawa. 'Yung mabilis na tibok ng puso ko dala ng matagal na pagtakbo, parang dumoble pa.
Agad ko namang kinuha ang kamay ko ng ma-realize na magkahawak pa din kami ng kamay. Nakita ko ang pagngisi niya at pagbaling ng tingin sa bintana. Tangina. Baka iniisip na ng hayop na 'to na nagustuhan ko 'yon? Feeling pa naman ang tigre na 'to.
Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Pagod na pagod ako at uhaw na uhaw. Hindi na din namin nasagot ang driver dahil halos hindi kami makapagsalita sa sobrang hingal.
Saktong nakabawi na ako sa pagod ay ang paghinto naman ng taxi. Nag-abot agad siya ng bayad sa driver at bumaba. Pagtingin ko sa labas, nagulat ako ng makitang nasa baywalk kami sa harap ng mall.
"Ija, hindi ka pa ba bababa?" natauhan ako ng magtanong ang driver.
"Ah o-opo, salamat po," I said and immediately went out of the taxi. Pagkaalis ng taxi ay agad kong nilibot ang paningin ko pero hindi ko na siya nakita.
Napabuntong hininga ako. "Sinama ako dito pero iiwan din pala ako? Ang galing naman ng gago na 'yon," bulong ko at napairap na lang sa hangin. Kung iiwan lang din pala niya ako dito, edi sana binaba na lang niya ako sa tapat ng subdivision namin.
Pero teka nga, bakit ba inis na inis akong iniwan niya ako mag-isa dito?
Tsk.
Napabuntong hininga ako ulit at hinayaan na lang. Okay nga 'yon eh, atleast hindi na ako magtitiis na makita siya. Hindi ko pa nakakalimutan 'yung ginawa niya sa akin kahapon. 'Yung away nila ni Niko sa mall at 'yung paglabas niya kasama si Celestine imbes na pumunta doon sa school kung saan ginanap ang Division Level ng MTAP challenge.
Nakakadalawa na siya. Ah hindi pala! Nakakadami na siya. Kung isasama lahat ng babaeng kikilalanin niya sana para sa finding ms. right na hindi niya sinipot, madami na. Idagdag 'yung kahapon at 'yung ngayon. Napangisi ako. Nakaka-ilan na din pala siya sa akin.
But what can I do? Hindi ko naman kontrolado ang lalaking 'yon. At siya na ang nagsabi, wala siyang pakeelam sa akin. Wala siyang pakeelam kung anong mararamdaman ko o kung anong mangyayari sa akin pagkatapos ng mga ginawa niya. He don't care, so do I.
I sighed for the nth time at umupo na lang sa dati kong inuupuan dito. Nakaharap ako ngayon sa dagat at tulad ng dati, hindi mainit ngayon. Napatingin ako sa relo ko at doon ko na-realize na pasado alas-dos na pala ng hapon. Kaya pala kumakalam na 'yung sikmura ko. Lagpas lunch na pala at hindi pa ako kumakain.
Tatayo na sana ako para bumili ng makakain ng biglang tumambad sa akin ang isang pagkain na take-out sa Chowking. When I looked sa taong nag-aabot sa akin no'n, natigilan ako.
"N-nandito ka pa?"
"Obvious ba?" pagsusungit niya. "Take this then eat, I don't want to hear any complains and just eat," pagsusungit niya at pinagduldulan pa sa mukha ko 'yung pagkain kaya kinuha ko na lang. Naglapag din siya ng inumin sa tabi ko atsaka din siya umupo. Pero gaya ng dati, he made sure na may ilang inches ang layo niya sa akin.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Finding Ms. Right
Ficção AdolescenteSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...
Chapter 45: Run and Arguments
Começar do início
