SDTR: Kabanata 18

Start from the beginning
                                    

Marahan ko silang itinulak at hindi ko alam pero nakikipag tawanan ako sakanila ngayon. "OMG! Tumatawa si Claire! Hindi siya masungit!" Hiyaw ni Jersi, napaawang ang bibig ko. Naalala ko nung unang beses ko silang makilala sinusungitan ko sila. Yun yung panahon na bago ko palang nalaman ang mga sikreto ni Ethan.

"Baliw. Male-late na ako sa klase ko." Nangingiting suway ko sakanila, "Hanggang anong oras class mo? Bonding naman tayo!" Anyaya ni Jersi.

"Hmm, hanggang 9."

"Tamang tama! Hanggang 8 class namin, hintayin ka namin!" Hiyaw nilang dalawa na nagpabilog sa mata ko.

"Seriously? Isang oras pa yun ah!"

"No biggie! Miss ka na namin eh!" Sigaw ni Jersi, tumango nalang ako sakanila.

Nagpaalam na ako dahil mahuhuli na ako sa class ko, sinabi ko nalang na magtext nalang ako sakanila kapag tapos na ang klase ko.

Naging peaceful naman ang first class ko, nag quiz kami. Pagkatapos pinag usapan kung saan kami mag-o-ojt. Pinili ko nalang yung Pre-school na malapit sa bahay namin para kahit malate ako ng gising hindi ako malilate.

Ang ingay sa pangalawang classroom na pinasukan ko, panay ang kwentuhan nila. Pero napahinto ako nang makita ko si Jerome doon sa pwesto ko. Ipinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim.

H'wag mong pansinin Claire. Bulong ko sa sarili ko at doon ako umupo sa gitna. Buong akala ko ay tatantanan niya ako, pero mali ako dahil lumipat siya sa katabing upuan ko.

"Jerome please, h'wag mong sirain ang araw ko." Pakiusap ko sakanya, bumaling ako sakanya at nakipag sukatan ako ng titig sakanya.

"Claire--"

"Shut up." Mariin na sabi ko sakanya, "Wala akong panahon sa mga sasabihin mo, at kahit ano pa yan hindi ko pakikinggan. Bakit ba ang kulit niyo ni Jenica? Buhay ko 'to. Gagawin ko kung anong gusto ko at kung saan ako masaya." Matigas na pahayag ko na nagpakuyom sa panga niya, padabog kong kinuha ang mga gamit ko at lumipat ako ng upuan dun sa bakante sa harapan.

Ramdam kong tinutusok ako ngayon ng mga titig niya. Kahit pa may pakiramdam akong may itinatago silang dalawa ni Jenica saakin, kaya kong isa-walang bahala iyon at gawin ang gusto ko.

Mabilis akong lumabas ng klase nang mag ring na ang bell, kaagad akong nakatanggap ng tawag kay Jersi. Doon ko lang naalala na kapatid nga pala siya ni Jerome, pero di bale na wala naman siyang alam tungkol saaming dalawa.

"Where are you na?" Excited na hiyaw ni Jersi, natanaw ko na silang dalawa ni Vanessa doon sa waiting shed kaya naman pinatay ko na ang tawag niya at lumapit ako sakanila.

"Sa bahay ko nalang tayo? Bili nalang tayo ng makakain." Suhestiyon ko, naalala ko kasi si Ethan, baka dumiretso nalang yun sa bahay dahil nagtext siya saakin na hindi niya ako masusundo.

"Good idea!" Sigaw ni Vanessa at hinila na nila akong dalawa, ewan ko ba nawala nga ang bonding namin ni Ara pero nung makilala ko 'tong dalawa na ito parang kasama ko na rin siya.

Panay ang halakhak namin dito sa sala habang kumakain kami ng taco's.

"H'wag ka! Straight face pa yan!" Pang aasar saakin ni Jersi, pinag kukwentuhan namin ngayon yung unang beses na pagkikita namin at panay ang pang aasar nila saakin dahil nakasimangot daw ako palagi noon, ngumisi lang ako at hinampas ko siya.

"Pero, masaya kami for you. Mabuti naman at maayos na kayo ni Ethan." Bulong ni Vanessa, napatigil ako. Nakwento ko kasi sakanila na kami na ulit ni Ethan, pero hindi ko pinaalam sakanila ang problema namin.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now