SDTR: Kabanata 18

Start from the beginning
                                    

"Dito nalang, mas gusto ko yung luto mo." Sambit ko, napapikit ako nang pisilin niya ang ilong ko.

"Pero kumain na kasi ako kanina kela Ara, nagluto siya." Dagdag ko, tumango tango siya.

"Alright, samahan mo nalang ako sa mesa, nagugutom ako." Hiling niya, tumayo na siya at hinila niya ako patungo doon sa mini kitchen niya.

"May ulam ka na ba?" Tanong ko sakanya, tumango siya. "Nagpunta sa office ko si Mama, dinalan ako ng ulam." Kwento niya atsaka kinuha sa ref yung nakalagay sa isang tupperware at isinalang iyon sa microwave, may sinaing na rin siya sa rice cooker.

"Hmm, bango ah." Puna ko ngayong kumakain na siya sa tabi ko, ginataang alimango yung ulam kaya naman nakakatakam. Sinubuan niya ako nung ulam at halos manlaki ang mata ko dahil sa sarap.

Humalakhak siya, "Ang priceless ng expression mo." Natatawang sabi niya, ngumiti lang ako at pinanood ko siyang kumain. Ganadong ganado siya dahil luto iyon ng Mama niya.

"Kain ka na kasi baby." Aniya pagkalunok ng pagkain. " Okay lang ako, kumain ka lang jan." Sagot ko sakanya, natutuwa akong makita siyang ganado, paano ganyan din ako kapag nagluluto si Mama ng ulam.

Katatapos ko lang maligo, ingat na ingat akong h'wag mabasa yung tattoo ko kaya naman natagalan ako.

Panay ang halakhak ni Ethan doon sa paanan ng kama, nilapitan ko siya at nakita kong may pinapanood siya. "Baby! Lika." Hinila niya ako sa tabi niya at inulit yung pinapanood niya.

"9 months si Seb diyan, ang ingay." Ang sarap sa pandinig nung halakhak niya, "Mabuti nalang naitabi ko pa yung mga videos niya dito sa laptop." Masayang sabi niya. Ang pinapanood namin ngayon ay yung tinatawag niya ng tinatawag si Seb sa pangalan at magsisisigaw naman si Seb na nakadapa at naglalaway doon sa laruang hawak niya.

"Ang taba niya jan ah." Tumatawang sabi ko, ang cute cute niya. Tinignan pa namin yung ibang pictures ni Seb magmula baby palang, may picture din siya doon na buhat buhat niya 'to at hinahalikan sa tungki ng ilong.

"Dito na yan sa unit mo ah, sinong kumuha?" Tanong ko sakanya, "Si France, yan yung unang beses na nabuhat ko si Seb. Iba sa pakiramdam baby." Bulong niya at yumakap siya saakin.

"Alam mo hangang hanga ako sayo. Kasi kung ibang lalaki yan tinakbuhan na nila yung anak nila." Bulong ko sakanya. Humigpit ang yakap niya saakin at hinalikan niya ang gilid ng leeg ko.

"Thank you baby, sa pagtanggap mo saamin ni Sebastian." Bulong niya sa tainga ko.

Niyakap ko siya bilang sagot. Wala naman saakin yon. Ang importante saakin kasama ko silang dalawa ni Seb.

___

"Susunduin kita by 9 o'clock!" Hiyaw niya habang nakabukas yung bintana ng kotse, kakababa ko lang kasi sa tapat ng university. Kumaway ako sakanya.

"Basta kung hindi aabot sa oras magtataxi nalang ako. Uuwi ako sa bahay namin ha?" Paalala ko sakanya, wala siyang klase ngayon pero may hinahabol siyang investor.

Tumango siya saakin at ngumiti.

"Enjoy your class! H'wag mag-cutting!" Suway niya saakin na tinawanan ko lang, pumasok na ako sa loob ng university. Pinipilit niya pa rin na nag-cutting ako kahapon kahit hindi naman.

"CLAIRE!!!" Napalingon ako nang may sumigaw ng pangalan ko! Nakita ko si Vanessa at Jersi na nagmamadali para maabutan ako.

At halos matumba ako nang itapon nila ang sarili nila saakin para yakapin ako! "OMG! Namiss ka namin! Ang tagal nating hindi nagkita! My god! Claire!!" Sigaw ni Vanessa.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now