Kabanata 11

104 8 2
                                    

KAHARAP ni Rafael sa lamesa ang lalaking nakapatay sa kaniyang mag-ina. Sa unang pagkakataon ay makakausap niya ito patungkol sa tunay na nangyari. Wala siyang lakas na kausapin ito noon dahil alam niyang mananaig lang sa kaniya ang galit.

"Bakit mo ako binisita rito? Hindi pa ba ayos sa iyo na nakulong na ako? Trinaydor ako ng kaibigan ko at dinala ako rito."

Namilog ang mga palad ni Rafael sa sinabi ng lalaki dahil kung sabihin nito ang mga katagang iyon ay parang hayop lang ang napatay nito. Nilabanan niya ang galit dahil nais niyang kausapin ito nang masinsinan.

"Kung gusto mo akong saktan, gawin mo na."

"Hindi iyon ang pinunta ko rito." Ikinalma ni Rafael ang sarili at malalim siyang bumuntong-hininga. "Hindi ka ba nakokonsensya sa nagawa mo? Nakapatay ka ng tao. Pinatay mo ang mag-ina ko."

Bahagyang yumuko ang lalaki at natahimik ito. Tanging malalim na paghinga lang ang nagawa nito.

"Pinatay mo ang mag-ina ko!" Hindi na napigilan ni Rafael ang galit sa kaniyang puso. Akala niya ay kayang niyang pigilan ngunit nagkamali siya.

"Sorry." Nagsimula nang umiyak ang lalaki na halatang pinagsisisihan nito ang nagawa. Inangat nito ang mukha at tumingin ito kay Rafael. "Kung alam mo lang kung gaano kahirap sa akin ang ginawa kong ito pero ito lang ang paraan."

"Hindi lang ito ang paraan para pagbayaran mo ang kasalanan mo. Kaya kitang patayin pero ayokong gawin iyon."

Tumayo ang lalaki at lumuhod ito sa harapan ni Rafael habang umiiyak. "Patawarin mo ako."

Nakatingin lang sa unahan si Rafael. Hindi niya inalis ang kamay ng lalaki na nakahawak sa kaniya na pilit na nagsusumamong mapatawad niya ito. Kaya niyang magpatawad ngunit kailangan nitong pagbayaran ang kasalanang nagawa.

"Kailangan ako ng anak ko. Ako na lang ang kasama niya sa buhay. Nagmamakaawa ako sa iyo. Nasa ospital siya dahil kailangan niyang maoperahan sa puso." Patuloy sa pag-iyak ang lalaki habang nanatili itong nakaluhod.

Napasulyap si Rafael sa lalaki. Nakayuko ito habang humahagulhol ng iyak. Naramdaman niya rito ang pagmamahal sa anak. Labis siyang nahabag sa anak nito dahilan upang gumulo ang isip niya. Batid niyang kailangan ito ng anak ngunit kailangan din nitong pagbayaran ang kasalanan.

"Saang hospital iyon?"

"ANO raw ang sabi, Jake?" Hindi inalis ni Sabel ang tingin sa asawa ng kaniyang kaibigan na si Gelai. Habang may kausap ito sa telepono ay nakatitig siya rito dahil nais niyang alamin ang pag-uusap nito kahit pa hindi niya naririnig ang tinig ng nasa kabilang linya.

Ibinaba ni Jake ang telepono at malalim itong bumuntong-hininga. Nagsimula na ring maipon ang luha sa mga mata nito. "Kinasuhan ng murder si Gelai, Sabel. Napatay niya ang amo niyang lalaki."

Napatakip na lang si Sabel sa bibig dahil labis niyang ikinagulat ang sinabi ni Jake. Napailing siya at hindi na niya napigilan ang mapaluha dahil naawa siya para kay Gelai. Mabuti itong tao kaya hindi ito dapat nalagay sa sitwasyon nito.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Sabel."

Inalis ni Sabel ang pagkakatakip ng palad niya sa bibig. "Homicide lang dapat ang ikinaso kay Gelai at hindi murder. Alam kong ipinagtanggol lang niya ang sarili niya."

Matapos masaksihan ni Sabel ang nangyari kay Gelai, agad niya iyong ipinagbigay alam sa asawa nitong si Jake. Isang araw nila itong hindi natawagan kaya laking pasalamat ng asawa nito na may tumawag mula sa bansang kinaroroonan nito.

Kahit hindi alam ni Sabel ang nangyari, batid niyang hindi kayang pumatay ni Gelai. Ang hindi lang niya alam ay kung bakit humantong doon ang lahat. Ang sabi nito sa kanila ay mababait ang mga amo nito.

My Beloved's SinWhere stories live. Discover now