Kabanata 10

125 10 6
                                    

"JADE?" Marahang nilapitan ni Rafael ang asawang nakatayo hindi kalayuan sa kaniya.

Napakaliwanag sa paligid ni Rafael. Hindi niya alam kung nasaan siya. Sa kabila niyon ay hindi siya natakot bagkus ay masaya pa nga siya dahil nakita niyang muli si Jade na nakangiti sa kaniya.

Idinampi ni Rafael ang palad sa pisngi ni Jade. Matapos ang ilang sandali ay mahigpit niya itong niyakap at kasunod niyon ay ang pagbuhos ng luha sa kaniyang mga mata.

"Jade." Tuluyan nang napahagulhol ng iyak si Rafael. Kumalas siya mula sa pagkakayakap dito at humarap siya habang nakadampi ang dalawa niyang palad sa magkabilang pisngi nito. "Akala ko hindi na kita makikita."

"Rafael." Hindi nawala ang ngiti ni Jade kahit pa tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha sa mga mata nito. "Alisin mo na ang pagmamahal mo sa akin."

Hindi nakapagsalita si Rafael. Tinitigan lang niya ito sa mga mata dahil hindi niya alam kung bakit nasabi iyon ng asawa. Mahal na mahal niya ito kaya masakit sa kaniya na marinig iyon sa asawa.

"Rafael, huwag mong ikandado ang puso mo. Buksan mo iyon para mahanap mo ang babaeng tunay na nakalaan sa iyo."

Hinawakan ni Rafael ang kamay ni Jade. "Umuwi na tayo."

"Rafael, magmahal ka ulit. Kapag binuksan mo ang puso mo, magiging makulay muli ang buhay mo. Huwag mong hayaang manatili ka sa dilim. Hanapin mo ang liwanag."

"Jade, gusto mo bang maghiwalay tayo? Sasayangin mo na lang ba ang pinagsamahan natin."

Idinampi ni Jade ang palad nito sa pisngi ni Rafael. "Magiging masaya lang ako kapag nagmahal ka na ulit. Tandaan mo ang sinabi ko, Rafael."

"Jade!" Napabalikwas si Rafael mula sa pagkakahiga. Nakaupo siya sa kama habang nakahawak ang mga kamay sa ulo.

Napatingin si Rafael sa litrato nila ng asawa at anak na nakapatong sa ibabaw ng mesitang nasa gilid ng kama. Napabuntong-hininga na lang siya matapos tingnan ang asawa sa litrato. Naalala niya ang sinabi nito sa kaniyang panaginip.

Mahal na mahal ni Rafael ang asawa kaya hindi niya alam kung kaya niyang alisin ang pagmamahal para rito. Hindi rin niya kayang isipin na ibang babae na ang mamahalin niya. Nangako siya sa asawa na ito lang ang mamahalin niya.

Napatingin si Rafael sa kaniyang telepono na nakalagay rin sa ibabaw ng mesita. May tumatawag sa kaniya at hindi niya alam kung sino iyon. Kinuha niya ang telepono at sinagot ang tawag.

"Good morning, si Rafael ba ito?"

Bahagyang napakunot si Rafael matapos marinig ang tinig ng babae sa kabilang linya. "Oo, ako nga."

"Rafael, si Sabel ito. Nasa akin kasi ang jacket mo na ipinahiram mo sa akin kagabi. Ibabalik ko sa iyo saka iyong wallet mo."

Kusang napangiti si Rafael na hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin niyon. "Sige, ite-text ko na lang sa iyo kung saan tayo magkikita. Salamat dahil isasauli mo iyon sa akin."

"Sabi nga, kapag hindi sa iyo, huwag mong angkinin. Sige na, baka nakakaistorbo na ako sa iyo."

Muling napangiti si Rafael dahil sa katunayan, hindi nakaistorbo si Sabel sa kaniya bagkus ay ito pa nga ang tila nagpagaan ng dibdib niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Tila ito ang nagsisilbi niyang guardian angel.

Magsasalita pa sana si Rafael ngunit ibinaba na ni Sabel ang tawag. Napabuntong-hininga na lang siya at napailing. Tila may kakaiba na siyang nararamdaman para sa babaeng hindi pa naman niya lubos na kilala. Batid niyang masyadong mabilis ngunit hindi rin niya alam kung bakit. Marahil ay nakikita lang niya si Jade sa katauhan ni Sabel.

My Beloved's SinTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang