Chapter 44: Meet the Siblings

Magsimula sa umpisa
                                    

Wala pang kalahating oras ng tumigil ang sasakyan sa harap ng isang gate ng isang subdivision. Binaba nila Manong Sic at Yaya ang bintana sa gilid nila at lumapit ang isang guard sa amin. Hindi ko na pinakinggan ang pinag-usapan nila dahil agad din naman kaming pinapasok.

Nang makapasok kami sa subdivision, hindi ko maiwasan mapakunot noo ng mapansin ang naglalakihang bahay dito. Wow. Mas malalaki pa ang mga bahay dito kaysa sa subdivision namin.

Inalis ko ang earphones sa tenga ko at tumingin kay Yaya. "Dito po ba kayo nakatira noon 'ya?" kunot noong tanong ko dahil sa pagkakaalam ko, sa probinsya sila nakatira. Akala ko nga doon kami bibisita eh.

Natawa naman siya. "Hindi tayo pupunta sa bahay namin noon 'nak. Pupunta tayo sa bahay na pinagtratrabahuan ni ate ngayon," sabi ni Yaya at doon ako napatango tango. Akala ko pa naman pupunta kami sa bahay nila. Sayang din. Kung mas malayo ang pupuntahan, mas maganda sana.

Huminto ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay. Napaawang ang labi ko. Ang ganda! The color of the mansion is a combination of blue and white. Agaw pansin din ito sa lahat ng bahay dahil mas malaki ito at matingkad ang kulay. Bahay pa lang alam ng mayaman ang nakatira sa loob.

"Bakit kaya sila lumipat ng bahay?" napatingin naman ako kay ng bigla siyang magtanong. Nagtaka ako. Sino kaya 'yung tinutukoy niya?

We went out of the car at tinulungan ulit kami ni Manong Sic sa pagbitbit ng mga paperbags hanggang sa tapat ng gate. Matapos no'n, agad din siyang umalis dahil wala daw kasama 'yung bunso nilang anak sa bahay nila. Nagpasalamat lang kami kay Manong Sic bago siya umalis.

Nag-doorbell si Yaya at agad na nagbukas ang gate.

"Linda!"

"Ate!"

Napangiti ako dahil agad silang nagyakapan na magkapatid. Bigla ko tuloy na-miss 'yung mga kuya kong matatanda na. Hayst. Kailan ko kaya ulit sila makikita? Wala man lang paramdam ang mga 'yon eh.

"Oh Jana, mabuti at nandito ka din," sabi ni Yaya Cassy and I smiled.

"Magandang umaga po," bati ko at nginitian lang nila ako.

Pinapasok na kami ni Yaya Cassy sa loob at hindi ko mapigilang mamangha sa palagid. Damuhan agad ang makikita mo pagkapasok mo sa gate at ilang hakbang pa bago ang main door ng mansion. Sa gilid naman ng mansion sa right side, mukhang may pool.

"Bakit sila lumipat dito?" habang naglalakad kami papasok, biglang nagtanong si Yaya kay Yaya Cassy.

Yaya Cassy shrugged. "Hindi ko din talaga alam. Pero nandito na kami halos sampung taon na," sabi ni Yaya Cassy at tumango tango naman si Yaya. Samantalang ako, tahimik lang na nagmamasid. Hindi naman ako nakikisabat sa kanila kasi syempre, hindi ko naman alam kung anong pinag-uusapan nila or kung sino ang tinutukoy nila. Magmumukha lang akong timang kapag nakisawsaw pa ako.

Yaya Cassy opened the main door at hindi pa man din kami tuluyang nakakapasok, boses na agad ng mga bata ang narinig ko. Nagulat pa ako dahil ng tumapak ako papasok, dalawang cute na bata ang nakita ko.

"Yaya Cassy! Who are they?" natigilan ako ng magtanong ang isang batang babae. Sa tantya ko, mga nasa 6 to 7 years old na siya. But she really look familiar to me. Saan ko na nga ba siya nakita?

"Zynell, this is Yaya Linda, my sister," sabi ni Yaya Cassy at ngumiti ng malawak ang batang si Zynell. Mas lalo akong napakunot noo dahil maging ang pangalan niya ay pamilyar sa akin. Tangina. Hindi ko talaga maalala kung saan ko siya nakita. "Jana, hindi mo ba siya naaalala? Siya 'yung batang niligtas mo sa tapat ng subdivision niyo."

H-ha? Sa sinabi ni Yaya Cassy, bigla kong naalala 'yung batang babae na muntik ng masagasaan ng isang truck. That's it! Doon ko siya nakita at maging si Yaya Cassy ay nakita ko din ng araw na 'yon. Siya 'yung batang iyak ng iyak dahil muntik ng masagasaan dahil bigla na lang siyang tumakbo sa gitna ng kalsada. Myghad. Bakit hindi ko agad naalala? Nagiging ulyanin na ata ako.

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon