Chapter 42: Alone

Start from the beginning
                                    

"How's the review?" tanong niya.

"Fine."

"And?"

Kumunot ang noo ko. "Anong and?"

"And! Anong katuloy no'ng fine?" sabi niya.

"Dapat ba may katuloy 'yon?"

"I think so?"

"Fine and stressful," sagot ko at tumawa lang siya habang tumatango tango.

"Nakaka-stress naman talaga ang Math, nakakabiyak ng bungo," natatawang sabi niya kaya natawa na din ako. Somehow, napapa-light ni Darren ang mood ko. Ang light kasi talaga ng aura niya. Sobrang bright, sobrang gaan na parang wala siyang dinadalang problema.

Bigla ko namang naalala 'yung narinig kong pinag-uusapan nila ni Alvarez doon sa clinic. I want to ask him kung ano 'yon at kung bakit nabanggit ang pangalan ko. Pero sa huli, nanahimik na lang ako. Alam ko din naman kasing maliit ang chance na sagutin ito ni Darren.

Napatingin naman ako sa pinto ng cafeteria ng bumukas ito. Pero sana hindi na lang ako tumingin dahil nakita ko siya, kasama si Inigo. Walang emosyon ang mukha. Nagtama ang paningin namin pero agad din siyang nag-iwas ng tingin. Wala man lang akong nakitang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya ng makita niya ako. I smirked. Tama, wala nga pala kaming pakeelam sa isa't isa. So it means, kung nakita namin ang isa't isa, wala lang 'yon.

"Ehem," naputol naman ang pag-iisip ko ng kung ano-ano ng may biglang tumikhim. Then I saw Niko na may hawak na tray at nakatingin kay Darren na nakakunot noo na ngayon. Nilapag niya 'yong tray sa table. "Sorry dude, but that's my seat," he said at tumingin sa akin si Darren.

Tumango lang ako. Sign na kay Niko nga ang upuan na inuupuan niya. Well, hindi naman talaga kay Niko pero nauna siya doon. And besides, si Niko naman talaga ang kasama ko ngayon.

"Is that so? Okay," tumayo na si Darren. Ngumiti siya sa akin. "Pakabusog ka Jana, ha? Eat well even you're seeing a monkey's face in front of you." Muntik na akong matawa sa sinabi niya dahil halata namang inaasar lang niya si Niko. Unggoy talaga eh.

Nginisian niya pa si Niko and the monkey smirked back. Ngumiti ulit sa akin si Darren bago naglakad papunta sa lamesa nila Inigo. Bakit kaya dito kakain ang mga 'yon imbes na sa tambayan nila? Oh well, baka kasi nagsawa na sila doon.

"Hayst. Badtrip," kakamot kamot ulong sabi ni Niko at tinawanan ko na lang siya.

"Pinatamaan ko eh. Unggoy ka daw," sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin.

"Sige, paalala mo pa," sabi niya.

Bahagya lang akong natawa at nagsimula na kaming kumain. Hindi ko alam kung alam nitong lalaki na 'to na matakaw ako kaya ang dami niyang in-order or talagang trip niya lang na madami? Galing naman.

Nagsimula na kaming kumain at at nagkukuwento sa akin si Niko. Mostly, ang mga kwento niya ay ang mga ganap sa classroom nila which is my former classroom. Kahit hindi naman ako maka-relate dahil nga wala na ako doon, naki-ride na lang din ako. Okay nga 'to eh, atleast updated ako sa nangyayari.

Napalingon naman ako sa kung saan ng maramdaman kong may nakatingin sa amin. Kumunot ang noo ko dahil karamihan naman pala ng estudyante, nakatingin sa amin ngayon. Ano bang problema ng mga 'to? Dahil ba kasama ko si Niko ngayon? Ganito na naman kahapon eh. No'ng kasama ko naman si Darren. They are always looking at me like I'm a criminal who did a crime. Siguradong jina-judge na ako ng mga 'to sa kaloob-looban ng mga utak nila. Kung may utak nga ba sila.

"Hayaan mo sila, insecure lang mga 'yan kasi may kasama kang gwapo."

"Saan?"

"Ay, sino pa ba? Edi 'yung nasa harap mo!"

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now