Chapter 39: Goodluck

Start from the beginning
                                    

Binigyan na kami ng papers na sasagutan at nakita kong over 60 lahat. I scanned the paper at nakitang karamihan naman ay alam ko. Pero may mga nakita din akong mahihirap na siguradong kadadalihan ko.

Pumikit ako and silently prayed for a minute. At sa muling pagdilat ko, hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko.

Tumingala ako at nakita ang tigre na nakatayo sa harapan ko. Napalunok ako dahil ramdam kong lahat sila ay nakatingin na sa aming dalawa ngayon. Shit na malutong. Anong ginagawa niya dito?

Before I can even ask a question, bigla na lang niyang hinawakan ang ulo ko at ginulo ng bahagya ang buhok ko. Then he smiled as my heart started to pound so loud. "Goodluck."

Nakapamulsa siyang bumalik sa upuan niya.

"Okay, start answering!" sabi ng teacher at nagsimula na sila.

Pero ako? Heto, napatulala na lang sa hangin. What the heck? Ano bang problema ng lalaking 'yon? At ano bang problema ko? Bakit nang nginitian ako ni Niko, wala naman akong naramdaman. Pero no'ng si Alvarez, bigla na lang... b-bigla na lang... argh! Ah basta. Wala lang 'yun.

Nagugutom lang siguro ako.

Oo, gutom lang 'to!

I slowly shook my head at nagsimulang sumagot. Kahit minsan ay bigla na lang papasok sa isipan ko 'yung ginawa niya, pinilit ko pa ding mag-concentrate. Gago talaga. For sure, ginawa niya 'yun para ma-mental block ako. Oh well sorry, because that won't happen.

Hindi nga ba?

Napatingin ako sa relo ko at nakitang 39 minutes na lang ang natitira. Napabuga ako ng hangin. Lagpas kalahati na ang nasasagutan ko pero hindi ako sigurado sa iba. Sigurado namang may mali ako.

Nilingon ko si Niko at nakitang nakakunot noo siya habang nagbabasa ng question. Mukhang pati siya, nahihirapan sa pagsagot. Then my gaze landed on Alvarez. I saw him seriously looking at his paper kasabay ng pagsusulat niya sa isang scrap. Napailing iling ako. Mukha namang sineseryoso niya.

Agad akong nag-iwas ng tingin ng bigla siyang lumingon. Putangina. Kung ano ano or kung sino sino tinitignan ko eh hindi pa nga ako tapos.

"Last 20 minutes!" sigaw ng teacher kaya napakagat labi ako.

Holy shit.

~~~

"Congrats! Pasok tayo sa Division Level!" masayang wika ni Ms. Bautista matapos naming matanggap ang certificate namin bilang 2nd placer ngayong Zonal.

I smiled. Yup, naging 2nd kami. I got the highest score which is 38. Si Alvarez naman ay 37 at si Niko naman ay 30. Nagulat nga ako dahil magaling pala talaga si Alvarez sa Math. Imagine? Isang point lang ang lamang ko sa kanya.

Iyong naging 1st placer naman, 2 points lang ang nilamang nila sa amin. But it's okay, we know naman na we did our best. And besides, naging second naman kami at pasok pa kami sa Division Level. That's a double blessing for us. Nagulat nga kami dahil nalaman nila agad na pasok ang score namin sa Division.

But in this level, dalawa na lang sa amin ang pwedeng makipag-compete. And because kami ni Alvarez ang nakakuha ng high scores, siguradong si Niko ang maaalis. Ganun naman kasi ang rules nila.

"Paano ba 'yan? You wasn't able to enter the second level of the game. Cry if you want," pang-aasar ng tigre sa pinsan niya at napairap ako.

Ngumisi naman siya. "Why would I cry? That's not a big lost for me. And besides, nakarating naman na tayo ng Division noon, diba Jana?" tanong sa akin ni Niko and I nodded.

"Yeah," I answered kahit tumango na ako.

"Tsk," sa isang iglap, bigla na lang nag-walkout 'yung tigre. Tignan mo 'yun! Siya naunang mang-aasar tapos siya din pala ang unang mapipikon. Haynako.

Kumain lang kami saglit at nagkanya-kanya na. Hindi naman na namin kailangan pang bumalik ng AU. At isa pa, tapos na ang klase nila doon dahil 5:34 pm na. Wala na din kaming gagawin doon.

Pagkadating ko sa bahay, agad akong dumiretso sa kama ag humiga.

"Ghad! Gusto ko na matulog!" sabi ko at ninamnam ang lambot ng kama. I'm always like this. Kapag napagod ang utak ko, gusto ko agad matulog pagkatapos no'n. Kahit minsan hindi na ako nakakakain, basta makatulog lang ako.

Matutulog na sana ako when I suddenly remembered the chocolate on my bag. Bumangon ako at kinuha 'yung binigay ni Niko kanina.  Cloud nine siya na may kalakihan.

Habang hawak hawak iyon, bigla ko na lang naalala 'yung ginawa ni Alvarez kanina.

I frowned. Ano bang problema no'n? Seriously, hindi ko ine-expect 'yun. 'Yung guguluhin niya 'yung buhok ko tapos ngingitian niya ako. Then my hearr suddenly started to beat so fast. Napapikit ako at napahiga ulit.

"What's happening to me?"

Nababaliw na yata ako. Pati simpleng bagay hindi na ako pinapatulog. Dapat na ba akong magpa-mental? Because I can't really understand myself now.

He's being weird din naman kasi. Last week, noong mga araw na nagre-review kami. Palagi na niya akong kinakausap. I don't know kung ginagawa niya lang 'yon dahil mas prefer niya akong kausapin instead kay Niko. But do you know the feeling na para kang may nararamdamang something kapag kinakausap ka niya?

"Hayst!"

Napabangon naman ako agad sa kama ng biglang mag-beep ang phone ko. I took it out of my pocket at tinignan kung sino 'yun. Then I saw one message from Kuya Jake. Oh! Isa sa mga tanda!

From: Jake the Clown

You're in love.

Natigilan ako sa text niya. T-teka.. am I dreaming? Talaga bang ito 'yung natanggap kong text? Ako? In love? Kanina? Sa kanya? Imposible...

Then I received an another one.

From: Jake the Clown

Oh sorry baby! Hindi dapat para sayo yun. It's for my friend. By the way, take care baby! ^O^

Naibaba ko na ang phone ko sa kama. Humiga ako ulit at napatitig sa kisame.

That message wasn't for me but for my brother's friend. Pero 'yung sinabi niya sa text, parang tinamaan yata ako? Dapat wala lang 'yun eh. Pero bakit parang na-bothered ako? Haynako. Ang gulo ng life.

Pumikit ako at iwinaksi iyon sa isipan ko. It's impossible. I already promised to myself na hindi ko hahayaang maramdaman ko 'yang love love na 'yan. But at some point, hindi ko naman ito mapipigilan. Kasi kung talagang nakatakda, mararamdaman ko talaga kahit anong pagpipigil pa ang gawin ko.

But I know it's wrong. Mali 'yun. Hindi tama. I can say na hindi ako in love sa tigre na 'yun. Inis at galit pwede pa. Pagkairita, pwedeng pwede. But love? No way.

Napangisi ako. "Tangina."

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now