SDTR: Kabanata 16

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sana kahit papaano natanggal ko yung tinik diyan sa puso mo." Patuloy niya, nanatili akong nakatitig sakanya. Kahit naka-focus ang mga mata niya sa kalsada kita ko doon ang masayang emosyon niya.

"Oo naman, masaya ako. Lalo na at kasama natin si Seb." Nakangiting sagot ko sakanya, ngumiti siya at muling hinalikan ang kamay ko.

___

"No! Daddy!! No!!" Sigaw ng sigaw si Seb ngayon at inaalis niya yung mga damit na nilalagay ni Ethan doon sa maliit niyang bag. Ihahatid na kasi siya ngayon sa Mommy niya, umiiyak nanaman siya at ayaw umalis.

"I want to stay with you!! I want to stay with Mama Claire!!" Humihikbing sigaw niya at pilit niyang hinihila yung damit niya doon sa loob ng bag. Nakaupo lang ako ngayon dito sa kama kung saan inaayos ni Ethan ang gamit niya.

Umupo si Ethan sa tabi ko at binuhat niya si Seb, nangingiti niyang pinahid ang luha ng anak. "Palagi nalang ba tayong mag aaway anak kapag uuwi ka na?" Natatawang tanong niya kay Seb, napapangiti nalang ako dahil sa pula ng mukha ni Seb sa kakaiyak.

"This is my home!!" Humahagulgol na siya na para bang nagmamakaawa siya kay Ethan na h'wag siyang ihatid.

"Pero anak, kailangan ka nang ihatid ni Daddy. May pasok ka na bukas, ako din may school na din ako tomorrow. May office pa si Daddy, wala kang kasama dito. May ghost." Pananakot niya sa anak. Umiling iling si Seb.

"Mama Claire is here!!" Sigaw niya.

"May school din ang Mama Claire mo." Hindi ko alam kung ano yung kumalabit sa puso ko nang marinig ko mismo kay Ethan yon.

"Sa weekends naman nandito ka ulit." Paninigurado niya sa anak, yumakap sakanya si Seb at nag iiyak. Halos kurutin ang puso ko nang makita ko kung paano yakapin ni Ethan ang anak niya, iba. Ibang iba yung pakiramdam na makita siyang napakabuting ama.

"Mag ingat kayo." Paalala ko kay Ethan, buhat buhat niya ngayon si Seb, napapayag niya rin na umuwi muna ito sa Mommy niya.

"I will baby." Sagot niya saakin at binigyan niya ako ng isang halik sa labi. Humalik din sa pisngi ko si Seb.

"Weekends Mama Claire." Paalala ni Seb na nagpangiti saakin, tinanguan ko siya at marahan kong pinat ang ulo niya. "Mag aral mabuti ha? Dapat sa Friday may makita akong stars diyan sa kamay mo." Magiliw na sabi ko sakanya, tumango tango siya na parang nae-excite.

Isinakay na ni Ethan si Seb sa back seat at kinabitan ng seat belt. Kumaway naman saakin si Seb at nag flying kiss pa ito. Itinapat niya pa ang point finger niya sa labi niya at, "Shhhhhh. Secret." Bulong niya na nagpaawang sa labi ko.

Humarap na saakin si Ethan, "I told you, iba si Seb sa ibang bata." Natatawang sabi niya saakin, hinampas ko ang braso niya.

"Sira ka. Parang tinuturuan nating magsinungaling yung bata." Suway ko sakanya, umiling siya at pinisil ang ilong ko.

"Of course not baby, malapit na naman tayong maging malaya." Bulong niya saakin.

Huminga ako ng malalim atsaka tinulak ko na siya para sumakay, "Sige na, mag ingat kayo. Aalis nga pala ako, nagtext saakin yung pinsan kong si Jamille, bukas na kasi ang balik nila sa Lucban, nagyayaya silang mag bar." Sabi ko sakanya na nagpakunot sa noo niya.

"You have class tomorrow, right?" Paalala niya saakin, tumango ako. "Nine o'clock in the morning? Hindi ba pwedeng magpahinga ka nalang?" Suway niya saakin, pinisil ko ang pisngi niya.

"H'wag kang mag alala, maaga naman akong uuwi. Pagbibigyan ko lang yung mga pinsan ko, minsanan lang kasi silang lumuwas." Pakiusap ko sakanya, huminga siya ng malalim at kita ko ang pagtatampo sa mga mata niya.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon