"Kailangan ba kasama ako?"

He laughed. "Syempre dahil friends tayo."

I arched my brow. "Friends na tayo?"

He nodded. "Oo... Ayaw na kitang landiin kaya friends na lang tayo."

"As far as I can remember, ayaw mo akong landiin dahil intimidated ka sa 'kin... Not simply because ayaw mo lang."

Sinandal niya iyong gilid ng katawan niya sa pader ng cubicle ko. He crossed his arms and grinned at me.

"If I didn't know better, I'd think na masama ang loob mo dahil hindi na kita nilalandi," he said and I arched my brow at him. "But since I know you better, I'd say na honest na tao ka lang talaga."

Hindi na ako nagsalita pa. Ibinalik ko iyong atensyon ko sa binabasa ko. I was in the middle of reading the statement given by the passenger who complained about his lost check-in luggage. I needed to find something para hindi mag-apply iyong extraordinary diligence requirement para sa common carrier.

"Queen Elsa," bulong ni Iñigo sa tenga ko. I almost jumped from my seat dahil sa gulat. I internally cursed.

"Kapag sumama ba ako maglunch sa 'yo, 'di mo na ako guguluhin?"

He nodded like a kid. I sighed. Why was I stuck with this guy?

* * *

"Ayaw mo niyan?" he asked.

"Ha?"

"Yung ulam... Ayaw mo?"

"Okay lang," sagot ko.

"May iba namang ulam. Order kita, gusto mo?" he asked again.

"Okay lang ako," I replied.

"Sure ka? Kapag kasi pares, ang lakas mong kumain... Ni hindi pa nga nangangalahati 'yang pagkain mo ngayon," he said, pointing at my food. It's chicken and rice, but I wasn't a big fan of chicken. Okay naman... but this particular chicken tasted dry.

"No, I'm fine," I reiterated. May sandwich naman ako sa bag—something I learned from Jax. Para kapag nagutom ako bigla, may pagkain ako.

But Iñigo stood up and went to the counter. I sighed when I saw him ordering again. Ang kulit. Okay lang naman ako. 'Di naman ako masyadong gutom. 'Di naman talaga ako malakas kumain—siguro nasanay lang siya na kapag pares, 2 cups of rice iyong naka-kain ko... Exception to the general rule naman 'yun.

"Adobo," he said, putting the bowl of viand in front of me. "Walang pares... pwede na muna 'yan."

"Okay lang naman ako," sabi ko sa kanya.

He smiled. "Kain ka na."

Dahil sayang naman iyong pera ni Iñigo, kumain na ako. He was smiling when he saw me eating. I made sure that I finished everything on my plate. He gave me two thumbs up when I did. Pakiramdam ko talaga bata ang tingin niya sa akin... Although totoo na mas bata ako sa kanya, 'di naman niya alam 'yun.

When we finished eating, Iñigo looked at his watch.

"May 15 minutes pa. Lakad muna tayo sa labas, gusto mo?"

"Balik na ko. May babasahin pa ko."

"Trust me, 'di mauubos babasahin mo... You really have to learn how to chill, Miss Viste," he said, smiling gently at me. "Life's not always about working, you know? Work-life balance. 'Yan talaga ituturo ko sa 'yo."

"Ituturo mo sa 'kin?"

He nodded. "Sa school, sure ako mas matalino ka sa 'kin... pero sa life? Mas marami akong alam sa 'yo. I'm gonna teach you how to relax and live a little."

Control The Game (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang