Chapter 28

6.3K 91 1
                                    


#DFF28

"What!?"

"May nagkakalat ng issue na kaya ka raw nag-quit sa movie dahil nabuntis ka ng ex mo." Sinapo ko 'yung noo ko. Who the hell is that person, ang kapal ng mukha niyang ipagkalat ang walang kwenta niyang issue. Yes, I am pregnant. But hell, Troy is not the father of my child. Walang nangyari sa'min kahit isang beses, make out. Yes, but other than that. Wala na.

I need time. Ayoko munang bumalik sa showbiz world. Gusto ko muna ng pahinga. I have tons of issues and problems in my life. Uunahin ko pa ba 'yung mga walang katuturan at katotohanan. I'll just ignore them.

"Manager, ikaw nalang ang bahala. Besides, si Direk alam niyang may health issue ako, na dinahilan ko." I hear her sighed from the other line.

From the very beginning I've given her lot of damn headaches. Nahihiya narin ako, slight. Not totally kay manager.

"I know, sinabi ko lang para alam mo. Just be sure na babalik ka right after you finished all the issues you have. Si Troy, hihingian ko rin ng statement, pwede ring lumabas siya sa pres con." Bakit ba kasi sunod-sunod lahat ng problema ko?

"Okay, thanks manager. Don't worry, I'll contact you after ng issues na 'to. Swear, I just need time." We bid goodbye and after the line went off.

Nagpunta ako sa kitchen saka kumuha ng tubig. Sa totoo lang, nahihirapan na ako. Who wouldn't. Lalo na hindi naman laging nasa tabi ko si Frost, laging nagbabanta si Keira na papatayin niya ang na sa sinapupunan niya. See? She's insane. So ending, ako ang umiintindi at nagpapaubaya. This isn't me, pero for the sake of the baby. Okay na lang.

Ayoko naring dumagdag pa sa issue. After all, 7 months na rin akong buntis. Even Keira, mas lalo talaga siyang lumala. Everytime na nawawala si Frost napa-paranoid siya.

I just don't get her. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba or hindi, e. Naiirita nalang ako. For the past month, Frost almost doesn't have time for me, sa'min ng baby niya. Gusto ko mang umarte para minsan hindi siya nasosolo ni Keira, hindi ko magawa. Why, because I knew, he's tired. Pagod na rin si Frost. Iniintindi niya kaming dalawa. And it wasn't easy.

Naaawa ako sa kaniya, lately. May dark circles na sa ilalim ng mata niya, pumayat rin siya. Halos isa o dalawang oras lang lagi ang meron kami. So imbes na mag-inarte ako, I'll let him sleep, tinatabihan ko siya at pinapanood ko nalang siyang matulog. Kahit doon nakakatulong ako. Alam kong hirap siya sa sitwasyon namin. Kaya sa paraang 'yun nalang ang ginagawa ko para mabawasan naman ang paghihirap ni Frost.

I went to his walk in closet at kinuha ko 'yung favorite kong sinusuot na T-shirt. Minsan ito nalang ang niyayakap kapag wala siya.

I hear my phone, ringing. Nagmamadali akong nagpunta sa beside table. I thought Frost is calling, pero hindi naman pala. 'Yung note ko pala, check up ko ngayon. Babalik ako sa OBgyne.

Hey, King. Check up ko ngayon. Can you make it?

Sana kaya niya akong samahan ngayon, ilang buwan na akong nagtitiis na si Keira nalang lagi. Minsan kahit sobra kong naiintindihan 'yung situation namin. Sobra paring unfair.

Nabuhayan ako ng makita kong nag-reply siya.

Sorry, but I can't.

Biglang humapdi 'yung puso ko. Nagbuntong hininga nalang ako. The usual thing ako na namang mag-isa.

Naiiyak ako, hindi ba niya alam na minsan sumasakit rin ang tiyan ko. Na kailangan ko siya. Sana man lang minsan naiisip ni Frost 'yun.

I decided to call Rupert. Baka siya pwede niya akong samahan. Sana hindi siya busy. Last month pa n'ung huli kaming nagkita at nag-usap.

"Zendrea,"

"Are you busy?"

"1 minute and we'll start. Hindi naman." Liar. Narinig ko 'yung boses ng staff. So nagshu-shoot siya?

"You're in the middle of the shooting, Rupert. Narinig ko. Sorry If I disturb you, b---."

"You're not disturbing me, Zendrea. You need me, right." Napangwi ako ng wala sa oras. Buti pa siya, alam niyang kailangan ko ngayon ng makakasama. Hindi katulad ni Frost.

"Yeah, I badly need someone,"

"I'll be there, where are you?" Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit? Hindi naman niya responsibilidad na puntahan ako. Bakit, dahil ba sa kaibigan niya si Frost? Is that the reason.

"Bakit?" Hindi ko maiwasang itanong.

"It doesn't matter, as long as you need me. I'll be there, Zendrea. Everytime you need me, I'll be there." Sana si Frost, katulad ni Rupert. Ayokong magkumpara, pero kung priority rin ako ni Frost. Hindi niya ako pababayaan.

I thought our relationship was already fine. Pero hindi parin pala. May mga problema parin.

"Thank you, Ru."

I texted Rupert na mag-meet nalang kami sa nearest coffee shop dito sa condo ni Frost. Napag-isipan ko munang bumalik nalang ulit sa bahay na binili ko, kung mahalaga talaga ako para sa kaniya. Mag-eeffort siyang hanapin ako.

"Ang dami mong dala," Tipid na ngiti nalang ang sinagot ko sa kaniya. Kinuha niya sa kamay ko 'yung maleta ko.

Pinagbuksan niya pa ako ng pinto sa shotgun seat. I waited for Rupert, nilagay niya pa kasi 'yung maleta ko sa trunk ng kotse niya.

"Malaki na 'yung tiyan mo."

"Oo nga, e. By the way, kumusta ka na?"

He smiled. "Nothings change," I nodded my head.

"Okay lang bang samahan mo ako sa OB ko?"

"Walang kaso sa'kin kahit saan pa, Zendrea." Nanahimik ako matapos 'yun. Naalala ko kasi si Frost.

Oh shoot. "Why?"

"I forgot to charge my phone, dead battery na."

Baka kasi tumawag si Frost.

"You can use mine, may tatawagan ka?" I shooked my head. Umaasa lang kasi ako.

"No need." Tinanguan niya lang ako.

Natawa ako kasi ang gentleman masiyado ni Rupert, gusto ko sanang paganahin ang masungit side ko. Kaso hindi siya gumagana, masiyado lang iba ang mood ko ngayon.

"Thanks sa pagsama, Ru. Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko." Naguguluhan na ako. Sa totoo lang.

"I told you, I'll be by your side. Always." Nginitian ko siya. Alam ko sapat na 'yun para sabihing sobra ang pasasalamat ko sa pagdamay niya sa panahong kailangan ko ng taong makakapitan.

"Careful," Biglang sumakit ang tiyan ko kaya nawalan din ako ng balance.

"Thank you." Inalalayan niya nalang ako all the time sa hospital.

Napagkamalan pa siya 'yung ama ng anak ko ng OB. Hindi ko lang maiwasang maasar. Dapat kasi si Frost ang kasama ko. Pero dahil wala siya, iba tuloy ang gumagawa ng responsibilidad niya.

"Uuwi ka ba sa inyo?" Iniling ko 'yung ulo ko.

"Doon ako uuwi sa bahay na binili ko." Ayoko lang talagang mabaliw kakahintay kay Frost sa unit niya. Hindi ko na kakayanin. Mas mabuting malayo nalang ako sa kaniya, para mas masanay ako na hindi aasa nalang.

"Okay lang ba na ipag-drive mo ako?" Ginulo niya 'yung buhok ko.

"Anything, basta kailangan mo ng tulong." Hindi ko mapigilang mapangiti.

So in return para naman makabawi. I kissed his cheeks. Thank you kiss.

"Thank you talaga." Pero kung kanina lang nakangiti pa ako. Ngayon hindi na.

Nagulat lang ako ng hindi man lang ako tinitigan ni Frost. Dinaanan niya lang ako. At kapit na kapit pa sa braso niya si Keira.

"Zendrea,"

Nilingon ko si Rupert. "Wala ng mas sasakit pa sa ginawa ni Frost. Parang hindi niya man lang ako nakita. He's a jerk." And that moment. I cried again.

Dating Frost Fajardo | FinNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ