Nang ma-bore ako sa pagbabasa ng codal, nilabas ko iyong phone ko para sana magbasa muna ng cases.

"Grabe namang motivation," he said.

"Ha?"

"Yung wallpaper mo," he said. "The only thing that matters is how badly you want it."

"Privacy?"

He laughed. "Grabe! Nakita ko lang naman. Split second. 'Di naman tipo na binasa ko messages mo," he said, smiling at me. Ibinaba niya iyong hawak niya na codal ng civil law. Oblicon pa rin yata inaaral nito. Major in oblicon yata 'to. "Sobrang motivated mo no? Gustung-gusto mo talagang maging lawyer?"

I shrugged. "Okay lang."

"Okay lang 'yung pagka-gusto mong maging lawyer sa lagay na 'yan?" he asked. I only looked at him. He smiled and then raised his hands. "Sorry. I didn't mean to pry. Aral na ulit tayo."

He resumed to studying.

I did, too.

I didn't like talking about feelings.It's weird. It makes me feel weird. I'd rather shove it all in... kung sumabog, at least one-time ko na lang na poproblemahin. I didn't want to think about feelings everyday. I had things in my list that I needed to check off.

"Cha!"

Agad akong napa-tingin sa kanya. Nanlalaki iyong mga mata niya. Naka-turo siya sa akin. Agad akong napa-tingin sa codal ko. Shit!

I tried to get tissues from my bag pero naalala ko na nasa classroom nga pala iyong bag ko. Tatayo na sana ako para pumunta sa CR pero natigilan ako nang iabot sa akin ni Iñigo iyong panyo niya. I looked at him and saw that he's got this worried look on his face.

"Thank you," I said as I tried to wipe the blood from my nose. Yumuko ako para lumabas pa iyong iba. Ang hassle naman! Ito iyong ayoko, e. 'Yung codal ko!

"Tara sa clinic," sabi niya.

"Ayos lang ako."

"Ano'ng ayos d'yan?" he asked, pointing at me who still had my head hanging low dahil hindi pa rin tumitigil iyong paglabas ng dugo sa ilong ko.

From my peripheral vision, I saw Katherine running. Nandun na yata iyong prof nila sa oblicon.

"Nandyan na prof mo," sabi ko. I tried to sit down but I felt the blood running from my nose still. Ang hassle naman!

"Samahan muna kita sa clinic," he said.

"Okay lang ako."

"You don't look okay," he said.

"This normally happens, okay? I'm fine," I said, really wanting him to leave because his class was about to start. Obli pa naman yata iyong class niya. Alam ko na kinakabahan siya sa class na iyon dahil nagpaturo pa nga siya sa akin nung huling beses na magkasama kami, e.

"Just because it normally happens doesn't make it fine, okay?" he shot back. He stood up, codal in his hand and then other, offering to help me stand up. "Tara na sa clinic."

I looked up at him. "Nandyan na prof mo."

"E 'di male-late ng sandali," sagot niya. "Tara na kasi. Baka maubos 'yung dugo mo."

Inirapan ko siya. "Di mauubos iyong dugo ko, okay? Alam mo ba kung ilang litro ng dugo—"

"Mamaya ka na magtrivia kapag nasa clinic na tayo," he said, holding me by my arm as we went down the stairs. I felt him hurrying his steps. Kinakabahan yata baka matawag sa recit.

"Pupunta ako sa clinic, promise. Bumalik ka na sa room mo," I said.

"Okay nga lang—"

"Paano kapag natawag ka?"

Control The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon