"Aaaaaah!!! Hoy ano ba! Sino ka ba? Tatawag na ako ng guwardiya pag di ka pa umalis!"

"Kri-krissanta. *hik*A-ako to."

Huh? Kilala niya ako? Teka!

Pinagbuksan ko na ito ng gate. Pagkabukas na pagkabukas ko naman ng gate nagulat ako dahil isang Jethrong lango sa alak ang nakita ko. Medyo nagulat din siya kasi may hawak akong tambo at akmang hahampasin siya. Malay ko ba naman kasi kung sino. Ang bata bata palang lasinggero na.

"So ikaw pala!"Nakapamewang ako sa harap niya hawak hawak ang gate at ang tambo. Sinuklian niya lang ako ng nakakalokong ngisi. Lasing nga ito. Tsk. Ngayon ko lang rin naalala na dito pala 'to tumutuloy.

"Ano tatayo ka na lang ba diyan? O isasara ko na ito at diyan ka matutulog?"

Kumilos na rin siya atunti unti siyang naglakad habang ako nakapamewang lang na pinapanood ang pagewang gewang niyang lakad. Nang bigla namang..

*bugshhhhhhhhhhhhhhhhhh*

O_O


O_o


O_O

Nanlaki ang mga mata ko. Napayakap siya sakin at natumba ako este kami pala. Pareho kaming nakatumba at oh my.. Nakapatong siya sakin. What the! Pero parang ang lambot ng nabagsakan ng ulo ko? Nakatitig lang siya sakin. Parang pinagmamasdang maigi ang mukha ko. Teka may dumi ba ako sa mukha?

"Anak?" Nanlaki lalo ang mga mata ko sa boses na narinig ko. Napatayo ako agad agad. Naitulak ko at napatihaya na lang si Jethro at nakangiwi ang mukha.

"Mommy, wag kang magiisip ng masama. Ito kasing lalaking 'to."Napahawak ako sa ulo ko. Titig na titig ako kay Mommy. Para malaman niya na hindi talaga ako nagsisinungaling.

"Mommy lasing siya at tumumba sakin. That's all." Dagdag ko pa. Baka kasi mamaya ano nalang isipin ni mommy. Hay nako ang mga lalaki talaga! Naiwan na medyo nakanganga si Mommy.

"Ahh!!!!!" Biglang umungol si Jethro.

Kaya pala tulala si Mommy dahil nagtataka siya kay Jethro. Parang kanina pa daw kasi may gusto ipahatid sakanya na mensahe.

Lumingon ako sa likod. Hawak hawak niya yung kaliwa niyang kamay. Nabitawan ko ang tambo at agad agad akong napapunta sa kaniya.

"Hala. Anong masakit sayo?" Natataranta kong sabi.

"Y-yung k-ka-kamay."

"Huh? Anong kamay? Bakit?"

Binasag naman ni Mommy ang usapan namin. "Anak ipasok muna natin si Jethro sa loob at hahanapin ko ang first aid kit."Gaya nga ng sinabi ni Mommy, inalalayan namin siya papasok sa loob.

Nasa may sala kami ngayon at katabi ko ang lasing na Jethro. Ni-recall ko ang nangyari kanina. Hawak hawak niya kanina yung kaliwa niyang kamay. Nabagsak ako kanina pero imbes na mabagok ako dahil marmol ang babagsakan ko, malambot ang nabagsakan ng ulo ko. BINGO! Tama yun nga ang dahilan.

Naitukod niya yata yung kamay niya kanina para lang maproteksyunan ang ulo ko.
Tinitigan ko siya. Ayun lango. Medyo ngiwi ang mukha pero nakapikit. Tinignan ko ang kaliwa niyang kamay. Hinawakan ko ito. Bigla naman siyang humiyaw.

Napamadali naman si Mommy pababa hawak hawak ang first aid kit. "Oh anak ano nangyari?"

"Wala mommy. Tinignan ko lang kung saan yung iniinda niya. Sa tingin ko yung kaliwa niyang kamay yung masakit."

"Ano ba kasi ang nangyari?"

"Sa tingin ko 'my, niligtas niya lang ako kanina. Naitukod niya po yung kamay niya para masalo ang ulo ko. Kaso mali yata yung bagsak eh." Nagi-guilty tuloy ako.

Ginamot na ni Mommy ng first aid. Hindi niya ginalaw masyado dahil masama daw pag pinakialaman. Kaya napagpasyahan na ipacheck up siya bukas. Para masigurado na magamot iyon.

Inilalayan ko siya paakyat. Infairness ang bigat niya. Ang tangkad kasi. Pumasok na kami sa kwarto niya dito sa bahay namin. Inihiga ko na siya pero hinawakan niya ako ng maigi sa bewang kaya di ako nakapalag. Hay nako manyak talaga. Naglililikot ako para makawala pero di ako makapalag.

"Wag kang malikot. Please. Just for 5seconds lang Krissanta, ganito lang tayo... please." Bulong niya sakin.

1...

2..

3..

4...

5..

Nagbilang talaga ako habang nakatingin sa window. Ang ganda ng buwan. Full moon. Pinayagan ko na ang kagustuhan niya kahit ang awkward ng posisyon. Hindi rin naman ako makapalag kasi ang lakas niya eh. Nagwoworkout kasi.. ang mga biceps, damang dama ko, pati yung init ng yakap niya..

Wala akong magawa, iniligtas niya rin naman ako.

"Hoy pakawalan mo na ako!" Hindi siya umiimik.

"Hoy lalaking manyak! Sumosobra ka na ah." Hindi pa din sumasagot. Unti unti na akong lumingon sa kanya. Iniloob ko ang mga labi ko baka kasi mag-kiss kami....Nanaman.     Ew.

Tulog na siya. Pero tinitigan ko muna siya. Nabighani ako sa kinis ng mukha niya. Dinaig pa ako. Flawless ang lolo niyo. Ang ganda rin ng mata niya kahit nakapikit. Medyo mahahaba ang pilik mata. Sobra tangos ng ilong. Mapula ang labi.

Naalala ko yung first time na nagkita kami. Na-starstruck talaga ako sa kaniya, I admit it. Kung ganito ba naman sasalubong sayo tuwing umaga, sana lagi nalang umaga.

"Sorry ha. Kasi nasaktan ka dahil sakin. Ngayon yung kamay mo, 50-50 pa, este delikado hawakan dahil napuruhan ata kanina. Mabait ka rin pala no? Sorry dahil ang sungit ko sayo. Goodnight and thank you for saving me." Then unti unti na akong tumayo medyo alalay pa ako dahil ayoko madaganan yung kaliwa niyang kamay at baka magising ko pa siya. Kinumutan ko na rin siya. Tsaka ko iniwan at isinara na ang pinto ng kwarto niya.

Nakasalubong ko naman si Mommy. "Is he alright?"Tanong naman ni Mommy. Tumango nalang ako. Antok na din ako kasi. Kiniss na ako ni Mommy sa forehead then dumiretso na rin sa kwarto niya. Dumiretso na rin ako sa kwarto ko. Nahiga na rin.

Napatingin ako sa orasan. Oh my! It's already 12:35 in the morning! May pasok pa bukas. Shit. Shit. Shit.

Pero naalala ko parin yung kanina. Napangisi ako ng maalala ko yung pagsave niya sakin. Tsaka yung paghingi niya sakin ng yakap na parang tuta. Ang cute cute niya. May side din pala siyang ganun. Hindi lang pala puro bad boy side meron yung lalaking yun. Nagiwan ng ngiti sa mga labi ko ang naganap kanina. Niyakap ko na ang favorite kong unan and then I fell asleep with a smile in my heart.

---------------------------------------------

Author's Note:

This chapter is dedicated to MisterStar who made the new book cover of this story. Thankyou so much! What can you say? :)

Btw..

ANO SAY NIYOOOOOOO?:") *kilig*

kakilig na Halloween sainyo!!!!!

Happy halloween!!! 🎃

Maikli man pero oh my gulay. Kinikilig ako!:")

Inlove na kaya si Krissanta? Patuloy kaya siyang maging mabait na sa ating handsome playboy na si Jethro? :D ABANGAN!
Woooooooo <3
By the way magisip kayo ng combined name ng couple natin! :") waley ako maisip eh!! Hahahahahahaha Jetssanta? Kristhro? Yay HAHAHAHA baduy.

comment , vote or go to hell? Charr!!!

HAHAHAHA COMMENT NA PO KAYO AT MAGVOTE. LOVE KO PO ANG 4k na readers! :D

Salamat sainyo. Naiinspire ako magsulat. :) lalo na sa nagvovote at nagcocomment. :D

~queendaldalita 👸

Twitter: @elishaaang ask for a followback, okay?;)

It Started With a QuizWhere stories live. Discover now