SDTR: Kabanata 14

161K 3.1K 318
                                    

SDTR: Kabanata 14

Namayani ang katahimikan sa buong kwarto ni Jenica, tanging paghikbi ko lang ang naririnig ko ngayon. Mabilis kong pinahid ang luha ko nang marinig kong bumukas ang pinto at iniluwa noon si Kuya Justine.

"Buti naman at nandito ka." Ngumingising sabi ni Kuya at lumapit saakin para yakapin ako.

Kumunot ang noo niya, "Umiiyak ba kayong dalawa?" Usisa niya, nagkatinginan kami ni Jenica pero nag iwas siya ng tingin saakin.

"Ah, no Kuya." Pagpapalusot ko, tumango tango siya at humalukipkip.

"Mabuti at nandito kayong dalawa, uuwi dito yung mga pinsan natin mula Laguna saka Lucban. May klase ba kayo bukas?" Usisa niya.

"Wala." Halos magkasabay na sagot namin ni Jenica, "Good! Dahil bukas na bukas nagpaplano ng outing sila Mama, minsan lang sa isang taon makumpleto ang pamilya Dela Cruz." Masayang balita niya, Dela Cruz ang apeliyido ni Mama nung dalaga pa siya.

"Wala sila Mama." Bulong ko. Huminga ng malalim si Kuya at hinila ako para yakapin.

"I'm sorry, nawala rin sa isip ko. Hindi bale tawagan nalang natin si Tita, malay mo pwede siyang makipag skype saatin bukas." Aniya at hinalikan ang ulo ko.

"Come on! Cheer up guys! Para kayong binagsakan ng langit at lupa!" Humahalakhak na sigaw ni Kuya Justine.

____

Alasais na ng umaga. Hindi ako nakatulog dahil bumabagabag pa rin saakin ang naging sagutan naming dalawa ni Jenica. Madalas akong tumabi sakanya sa pagtulog tuwing umuuwi ako dito sa Antipolo, pero kagabi dito ako sa guest room dumiretso. Nakakapaso kasi ang mga titig saakin ni Jenica na para bang galit na galit siya saakin.

Nagtalukbong ako ng unan nang marinig ko ang ingay ng mga pinsan ko na hinahanap ako.

"Mag kaaway ba kayo Jenica?" Boses iyon ni Kuya Justine pero wala akong narinig na sagot mula kay Jenica. Marahil maging siya ay nagtataka dahil hindi kami magkatabing matulog ngayon ni Jenica.

"Nasa guest room?" Boses ni Miles pinsan ko mula Laguna.

Mariin kong ipinikit ang mata ko dahil alam kong papasok na sila dito sa loob at guguluhin ako. Narinig ko na ang pagbukas ng pinto at wala pang dalawang segundo nang lundagan nila ako sa kamang hinihigaan ko!

"Ano ba?!!" Sigaw ko sakanila pero sinagot lang nila ako ng malalakas na halakhak!

"Hindi mo ba kami namiss?! Tara na! Bumangon ka na jan para naman maarawan yang maputla mong balat!" Pang aalaska saakin ni Miles, siya ang madalas kong kasama kapag umuuwi ako ng Laguna, mas matanda nga lang siya saakin ng isang taon pero hindi ko siya tinatawag na Kuya dahil pakiramdam daw niya ang tanda tanda na niya.

"Uy! Di mo manlang sinabi artista na yung crush ko!" Sigaw ni Grey, si Ara ang tinutukoy niya. Magkababayan kasi silang dalawa, gaya ni Ara taga Lucban din ang isang ito.

"Haay nako Kuya Grey, tigilan mo na si Ara. Di ka na papansinin non." Pang aalaska ni Jamille sa kapatid niya.

Tinanggal ko ang blanket at unan na nakatalukbong saakin at saka umupo ako sa kama.

Napaawang ang bibig ni Miles at ni Jamille, "What?" Pagsusungit ko.

"What happened?" Magkakasabay na tanong nila, tatlo palang sila dito. Siguro nasa ibaba pa ang lima ko pang pinsan.

"Wala." Malamig na sagot ko sakanila saka tumayo na ako at humila ako ng towel sa cabinet. Ramdam kong pinagmamasdan nila ako ngayon.

"Namamaga ang mata mo cous." Puna ni Jamille pero isinawalang bahala ko nalang iyon. Maglalakad na sana ako patungo sa cr pero natigilan ako nang mahagip ng mata ko si Jerome na nakatayo sa may pinto ng guest room at titig na titig saakin. Ewan ko, nabalot ng galit ang puso ko ngayong nakikita ko siya. Bakit niya ba pinapakialamanan ang buhay ko? At bakit nandito nanaman siya sa bahay ng Lolo ko?

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon