SDTR: Kabanata 13

Magsimula sa umpisa
                                    

"Claire." Pagbabanta niya, pero umiling lang ako at hinila ko na siya palabas ng coffee shop. Natutuwa ako, sobra sobrang nababalot ng saya ang puso ko dahil sakanya.

Umangkas na ulit ako sa motor niya pero natigilan siya sa pag start ng engine nun nang marinig niyang mag ring ang phone niya.

"France?, anong gusto?.. Yun lang? Okay, pauwi na rin naman kami ni Claire." Sagot niya, mukhang may ipinabibili si Seb sakanya.

"Ano daw yun?" Usisa ko sakanya.

"Si Seb, gusto daw ng french fries saka float." Nangingising kwento niya at napayakap ako sakanya nang mabilis niyang pinaharurot ang motor niya!

Dumaan muna kami sa Mc Donalds para mabili ang gusto ni Seb, at pagkarating na pagkarating namin sa unit niya mabilis kaming sinalubong ng takbo ni Sebastian.

"Haay salamat dumating na rin kayo, itong anak mo panay ang takbo. Ginawang playground ang unit mo." Hinihingal na kwento ni France, narinig ko ang mahinang pag ngisi ni Ethan nang mapansin niya ang nagkalat na laruan ni Seb sa buong unit.

"Oh paano? Mauna na ako ha? Kanina pa ako tinatawagan ng Daddy mo, hindi ko pa kasi naipapasa yung monthly inventory ng M Clothe's." Paalam ni France atsaka lumapit siya saakin para makipag beso.

"Salamat France." Paalam ko sakanya, "Wala yun, basta saakin ka na magpagawa ng damit. Maganda ka bihisan." Puri niya saakin bago tuluyang umalis.

Tinutulungan ko ngayon si Ethan sa pagliligpit ng mga laruan ni Seb, habang si Seb naman maganang kumakain ng french fries doon sa mahabang sofa habang nanonood ng cartoons.

Kanina ko pa rin napapansin ang pag ngisi ni Ethan kaya naman hinampas ko ang braso niya. "Para kang baliw jan!" Suway ko sakanya, ngumiti siya at umiling iling.

"Di naman, natutuwa lang ako kapag nadadatnan kong ganito ang unit ko. Alam ko kasing nandito pa rin si Seb." Masayang bulong niya, napangiti nalang din ako sa sagot niya. Ang sarap sa pakiramdam na ganyan siya sa anak niya, ibig sabihin mahal na mahal niya ito.

"Sebastian, after you finish your foods mag shower na tayo ha!" Paalala ko kay Seb, namilog ang mata niya saakin at nginitian ako.

"T-Tita Claire! Hindi si Yaya ang magpapaligo saakin? Ikaw?!" Excited na tanong niya, tumikhim si Ethan.

"Dapat nga marunong ka na, big boy na eh." Panunuya niya sa anak, "No! Daddy! I want Tita Claire! Yung classmate ko nga hinahatid siya ng Mommy niya sa school eh, si Mommy hindi." Ngumungusong kwento niya saka kumain na ulit ng fries niya.

Napatingin ako kay Ethan na ngayon ay pinupulot ang huling laruan ni Seb at inilagay iyon sa malaking box. Lumapit saakin si Ethan at niyakap ako mula sa likod, napatingin ako kay Seb pero nakatutok siya doon sa pinapanood niya.

"Ano ka ba Ethan?"

"Hindi mo naman kailangang pagurin ang sarili mo para kay Seb." Bulong niya, humarap ako sakanya.

"Gusto ko 'tong ginagawa ko Ethan, masaya ako kapag nakikita kong masaya si Seb." Sagot ko sakanya, para nanaman siyang baliw na titig na titig saakin at ayaw pakawalan ang mga mata ko.

"Umayos ka, baka mamaya makita nanaman tayo ni Seb." Suway ko sakanya.

___

"Hmm! Bango!" Sigaw ni Seb nang maamoy ang sarili, nakasando at pajama na siya ngayon. Katatapos ko lang siyang paliguan at halos mabasa na rin ako dahil naglaro pa siya sa cr, kaya naman nang matapos ko siyang bihisan kanina ay nag shower na rin ako.

"Thanks, Mama Claire!" Nanlaki ang mata ko nang halikan ako ni Seb sa pisngi ko at yumakap saakin.

Nagkatinginan kami ni Ethan, "Seb, Tita lang ako. Tita." Paalala ko sakanya, ngumuso siya at humiga sa kama ni Ethan.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon