Chapter 29: Happiness

Start from the beginning
                                    

Napangisi na lang ako. Sinamahan ko lang siya. Pero wala akong balak na magtagal. Okay naman na siguro 'yun noh? Tinulungan ko naman na siya eh. Tinulungang magdoorbell.

Nagpahatid na lang ako sa park sa subdivision namin. Umupo ako sa isang bench at buti na lang kahit malapit ng magtanghali ay 'di mainit.

Tumingin ako sa cellphone ko at nakitang wala pang text 'yung dalawa. Si Hollie at Alvarez. Napabuntong hininga na lang ako.

"Okay lang sila," tumatango tangong sabi ko sa sarili ko. This is the first time na hindi ako pumunta sa meet up ni Alvarez sa mga babae kaya hindi din ako aware kung anong nangyayari sa kanila ngayon. Pero sana, sana okay lang ang maging daloy ng pag-uusap nila.

"Anong tinatango tango mo dyan?"

"Ahh!" muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa panggugulat ng isang hinayupak.

Sinamaan ko naman ng tingin si Darren dahil tumawa pa siya. "Ang cute mo namang magulat."

"Gago."

"Hahahaha!"

Napairap ako ng wala sa oras dahil tumatawa na naman siya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at buti naman ay tumigil na siya sa pagtawa pero nakangiti pa din.

"May binisita ako dito sa subdivision niyo."

"Sino naman?"

"Curious ka? Huwag kang mag-alala, hindi babae 'yun."

"Pakyu ka talaga."

And again, tumawa na naman siya. I really wonder kung bakit tumatawa siya palagi o palaging nakangiti. Ang bright palagi ng aura niya na parang walang dinadalang problema sa buhay niya.

"Bahala ka nga dyan." sabi ko at tumayo na. Naglakad na ako paalis sa park na hindi man lang siya tinitignan.

"Teka!" hindi ko siya nilingon at naramdaman ko ang paghabol niya sa akin.

"Huy Jana!" napapairap na lang ako dahil kinukulbit kulbit niya pa ako. "Jana!" nang mabwisit ako dahil sumusunod pa din siya ay inis ko siyang hinarap na siyang kinagulat at kinaatras niya.

"Ano bang kailangan mong ugok ka?!" pasigaw na tanong ko. Napatulala siya sa akin ng ilang minuto na siyang kinakunot ng noo ko.

Pero pagkatapos ng ilang minuto, tumawa na naman siya.

"Sabihin mo lang, sisipain na kita papuntang Mental Hospital." naiinis na wika ko at tumigil din naman siya. Pero may ngiti pa din naman.

"Lunch tayo," aya niya na mas lalong kinakunot ng noo ko.

"Walang tayo, kaya mag-isa mo." sabi ko at tatalikod na sana pero nagsalita siya ulit.

"Edi gawin nating merong 'tayo'." sabi niya na may ngiti sa labi. Magre-react pa sana ako pero tumawa siya ulit. "Joke lang!"

"Ewan ko sayo. Lumayo layo ka nga sa akin, baka mahawaan pa ako ng kabaliwan mo." sabi ko at tumigil siya sa pagtawa. Hinawakan niya pa ang dibdib niya at tumingin sa akin na parang nasasaktan.

"Aray ko ha. Ouch ha," he said pero agad ding nagbalik ang ngiti niya. "Sige na kasi, lunch na kasi tayo." pagpupumilit niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Sasama ba ako?

"Libre mo?"

"Oo! Tara na!" nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinatak palabas ng gate ng subdivision. And there, nakita ko ang kotse niya na nakapark.

"Bakit nandito sa labas ng gate 'yung kotse mo?" kunot noong tanong ko. Pwede naman niya 'tong ipasok eh.

"Gusto ko kasing maglakad lakad na lang sa loob ng subdivision na 'to eh. Baka kasi makita din kita. Oh tignan mo? Nakita nga kita!" masiglang sabi niya. Napailing iling na lang ako.

Finding Ms. RightWhere stories live. Discover now