***

Iyak nang iyak si Anika. Wala na siya sa birthday venue ni Lexi. Naglalakad siya sa isang kalye pauwi sa bahay…mag-isa.

Napatingin siya sa kalangitan. Ang liwanag ng buwan. Kasing liwanag ng buwan noon sa burol. Marami ding kumislap na bituin…kasing dami ng minsan silang mag-star gaze ni Joe sa yate.

Napansin ni Anika ang pinaka-maliwanag na bituin. Sa imagination niya, para itong si Joe, kinikindatan siya. Kaya naman kinilig uli si Anika. Pero maya-maya…napaluha na siya. Napahagulgol sa iyak.

Sa buong taon, ngayon na lang siya ulit umiyak ng ganong kalakas…ganon kadami. Gusto niya magwala. Gusto niyang kwestyunin ang universe.

Bakit…bakit hindi mo man lang ako pinagbigyan na makasama siya…nang mas matagal?

Walang sumagot na universe. Ang sagot ay nakuha niya mismo sa sarili niya…

Ang dami niyang realizations. Una, pinagbigyan naman talaga siya ng tadhana. Pinagbigyan siyang makilala si Joe. Pero sinayang niya ang ibang oras. Dahil hindi niya agad napansin si Joe.

Pangalawa, lahat ng nangyari at nangyayari sa kanya ay may dahilan.

Pangatlo, siguro kailangan niya na talagang kalimutan si Joe. Siguro ito ang tadhana nila. Ang maghiwalay sila.

Kaya sa pag-uwi ni Anika. Sinunod niya ang payo ni Lexi. Ang burahin si Joe, kaya sinubukan niya uli.

For instant parang nag-Throwback Thursday si Anika kasabay ng pagpaalam sa mga naiwang alaala ni Joe…

Sinimulan ni Anika kung saan lahat nag-umpisa… 

Sa bawat sulok ng bahay…sa mismong kwarto niya, kung saan una niyang nasilayan ang kagwapuhan ng weirdong si Joe at inalagaan siya nito buong magdamag.

Sa kusina…kung saan una niyang tinaboy si Joe gamit ang kawali pero dito niya rin unang natikman ang mga luto ni Joe.

Sa sofa…kung saan madalas niyang pinatulog si Joe kapag naka-power off. At naalala niya ang unang gabi na namangha siya sa buong pagkatao ni Joe.

Matapos iyon…nilagay ni Anika lahat sa Maleta, ang pink maletang minsang pinagtaguan ni Joe.

Nilagay niya ang nasirang tablet kung saan lumabas si Joe.

Ang kawali na ginamit nya pamalo sa mukha ni Joe.

Ang gumamela at mga rosas na binigay sa kanya ni Joe.

Ang first draft ng thesis na ginawa ni Joe.

Ang huli niyang hawak ay ang white pillow. Ang huling bagay na ibinigay sa kanya ni Joe.

Nang malaglag ito at damputin niya, at saka niya lang nabasa ang nakasulat sa likod nito… “I’ll be back.”

Muling niyakap ni Anika ang unan. Mahigpit. Puno ng pag-asang sana bumalik si Joe. Pero alam niyang hindi na mangyayari. Kaya sinama niya na ito sa pagtapon sa maleta. Kasabay ng pagtapon at paglimot sa lahat. Lahat ng tungkol kay Joe.

***

Kinabukasan, pumunta si Anika sa school. Sinabi niya sa sarili…

Ito na talaga ang bagong simula. Ready na ko!

Yun ang akala niya. Nang pinuntahan ni Anika ang office ni BB. Dracula. Pero wala pa ito sa office.

Nang maglakad-lakad si Anika, sinubukan niya ring magpaalam sa mga sulok ng school. Dahil marami din silang alaala dito ni Joe.

Para siyang nagtime travel. Nakita niya ang lahat. Ang lahat ng ginawa ni Joe para sa kanya. Ang lahat ng pagmamahal ni Joe para sa kanya.

Maiiyak na sana uli si Anika nang makita na niya may commotion sa soccer field. Agad siyang lumapit.

MY APP #BOYFIEUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum