Chapter 27: Fight

Magsimula sa umpisa
                                    

Sumandal lang ako sa pader ng tunnel and watched them punching each other. May use pa ba kung pipigilan ko sila? Sinimulan na nila eh, edi hahayaan ko na silang tapusin 'yan. Tignan nga natin kung sinong mananalo. Kanina kinakabahan ako, pero ngayon? Bigla na lang nawala ang kaba ko at para pa akong inaantok. May kulang eh. Dapat may saksakan, hiwaan ng body parts at hugutan ng mga mata. Haha. Chos lang.

Nang tuluyan na akong magsawa sa laban nila, I slowly clapped my hands and all of them stopped. Napalingon silang lahat sa akin. "Nice fight." I commented.

"J-Jana?" alanganing tawag sa akin ni Lucas na ngayon ay medyo duguan ang mukha.

"Woah! May chicks tayong bisita ah!" sabi ng isa sa mga nakalaban ng section C and was about to come near me but my classmates immediately came infront of me and blocked him.

"Don't you ever lay a finger on her." narinig ko ang boses ni Alvarez at medyo nanginig ako doon. Iba kasi ang tono niya. Para bang handa ng pumatay.

"Jana? Is that you?" kumunot ang noo ko ng makarinig ng pamilyar na boses. Hinawi ko ang boys na nasa harap ko at pumunta sa harapan nila.

"Kuya Harry?" paninigurado ko.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Jay at sabay kaming tumango ni Kuya Harry. I know him. Kasosyo ni Papa ang Daddy niya sa negosyo. Nagmeet kami sa isang event noon sa US at naging close din kahit papano. Pero ang talagang close ko ay 'yung kapatid niya na kasing edad ko lang, si Hollie. College na kasi 'yang gago na 'yan.

"Yow! How are you, baby Jana?" masiglang bati sa akin ni Kuya Harry at parang 'di iniinda ang mga sugat at pasa sa mukha niya. Lalapit pa sana siya sa akin para yakapin ako ng humarang si Alvarez sa harapan ko.

"Baby?!" my classmates asked in chorus.

I rolled my eyes when he called me baby. "Stop it, you're not Kuya Jake. " sabi ko at tumawa lang siya. Then he looked at me and to my classmates na sobrang sama pa din ang tingin sa kanila.

"You know them?" he asked and I nodded.

"They are my classmates." sagot ko at tinuro naman ang mga lalaki sa likod niya na nakaaway ng mga kaklase ko. "You know them?" tanong ko at tumawa siya.

"Actually, I am their leader." natatawa niyang sabi. What a jolly asshole.

"Alam mo bang binugbog nila ang mga kaklase ko?" I asked at doon siya napatigil sa pagtawa.

"Yeah. I'm the one who ordered them to do that." he said na nagpakunot ng noo ko. I didn't know na leader na pala siya ng isang gangster group. But I know him, hindi siya magsisimula at gagawa ng isang gulo ng walang dahilan. Thanks to Hollie, she said it to me.

"Eh gago ka pala eh!" sigaw ni Tom at susugudin dapat si Kuya Harry pero pinigilan siya nila Rico.

"Ayusin mo pananalita mo ah! Tangina mo!" sigaw naman pabalik ng isang lalaki mula sa grupo nila Kuya Harry.

"Bakit?" tanong ko.

He sighed. "It's about Hollie's bestfriend, Rhianne. That guy... " sabi niya at tinuro si Tom. "...he broke Rhianne's heart when he told her that he really doesn't love her and all of it was just a game for him. She was hurt and so Hollie. I don't want to see my sister hurting so I did that. I just didn't expect that they are your classmates." sabi niya at masamang tingin ang pinukol kay Tom. Nang tumingin ako kay Tom ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Guilty.

"Hindi kaya sapat ang rason na 'yon." hirit ni Jay na sinang-ayunan nila Lucas.

"Kahit na! Ang mga babae hindi dapat sinasaktan, kundi minamahal. Diba miss?" tanong ng isang lalaki sa akin mula sa grupo nila Kuya Harry na may kasama pang kindat.

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon