I internally groaned. Why did he have to say my full name every time?! He's overcompensating dahil ang tagal na naming nagkikita sa school pero ngayon niya lang natandaan ang pangalan ko! And it's so annoying!

"You know what? I wish I just left you to bleed on the pavement."

Tumawa siyang muli. "Grabe naman, Charisse Faith—" napa-tigil siya dahil tinanggal ko na iyong cap ng ballpen ko dahil ready na ako na iturok 'to sa braso niya. He's so talkative! Why was I surrounded by talkative people?! All I ever asked for was peace and silence!

"Fine..." he said in a much lower tone. "Tanggapin mo na 'to tapos promise tatahimik na ako."

Huminga ako nang malalim bago ko tinanggap iyong biscuit na bigay niya sa akin. He smiled again before he turned his attention to his own reading materials.

So annoying.

* * *

It was quarter to ten when the librarian rang the bell na signal na magsasara na iyong library. Isa talaga sa mga hiling ko ang magkaroon ng 24/7 na bukas na library.

"Tulungan na kita," Iñigo said when he saw me arranging my books. I had three huge books with me. Kailangan kong mag-aral nang mabuti dahil finals na. Every recitation matters. I couldn't slack off. Not now.

"No, thanks," I replied. He shrugged, but I knew he was following me hanggang sa maka-labas ako ng library. I ignored him. Mapapagod din siya sa kaka-sunod sa akin kapag nalaman niya na wala naman siyang mapapala sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto niya. Obviously, he didn't need more friends because he's too friendly... Hindi din siya nauubusan ng babae... I didn't know what the hell he wanted from me. Samplex? Materials? Sana sabihin niya na para tantanan niya na ako.

"May susundo ba sa 'yo?" he asked nang tumigil ako sa malapit sa exit gate.

"Yeah," I replied although magbu-book pa lang ako ng sasakyan. I really just wanted him to leave me alone.

"Ah... Malapit na ba?"

"Oo."

"Okay."

Pero hindi pa rin siya umalis.

Ang kulit.

"May hinihintay ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Yung sundo mo."

"Bakit? Makiki-sakay ka?"

He laughed. "Grabe..." sabi niya habang tumatawa. Sumingkit iyong mata niya dahil sa pagtawa. He looked so carefree... but I knew better. Iñigo's anything but carefree. He's a member of the biggest frat in SCA.

"Gusto ko lang masigurado na makaka-uwi ka nang maayos."

"Mukha ba akong bata sa paningin mo?" I asked, but instead of replying quickly, I felt him sizing me up with his stares. Napa-yakap ako sa mga libro na hawak ko dahil ramdam na ramdam ko ang pagtingin niya sa akin.

"Nah... You look grownup."

Huminga ako nang malalim dahil bigla kong gustong ihampas sa kanya iyong makakapal na librong hawak ko.

"Ano ba kasing gusto mo? Pwede bang sabihin mo na sa akin para alam ko? I seriously don't appreciate you bothering me."

Instead of answering, he just stared at me. His hands were inside his pockets. A small smile appeared on his face.

"Bakit ba ang sungit mo?"

"Do I owe you any explanation as to how I behave?"

"Nagka-boyfriend ka na?"

Control The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now