CSS 29

22 2 0
                                        

SI ANASTASIA AT ANG KALALAKIHAN SA BARYO NILA
(Mature content for mature readers only)

Kurbadang katawan, magandang pagmumukha, may kabaitang taglay, mapagbigay, mapagmahal, at 'di talaga mapagkakailang siya ang pinakamaganda sa lahat. Siya si Anastasia.

Noong nasa wastong gulang na siya, lalong lumabas ang tunay niyang ganda. Sa labas at loob.

Pormal magsuot pero laging malagkit ang tingin sa kaniya ng ibang mga lalaki na para bang hinuhubaran siya.

Isang araw habang nag-aayos ng gamit sa kaniyang kwarto, pumasok ang kaniyang ama.

“Dalagang-dalaga ka na talaga anak at ang ganda mo pa.” Hinimas nito ang kaniyang likod pataas pababa.

Hindi kumibo si Anastasia kaya patuloy ang paghimas ng kaniyang ama sa kaniya. Pinasok na ang kamay sa kaniyang suot na blusa.

Nagpumiglas si Anastasia pero malakas ang kaniyang ama.

“Pagbigyan mo na si papa, nak. Mabait ka naman 'di ba?” sambit niya at parang asong ulol na hinahalikan ang kaniyang anak mula labi hanggang buong katawan. Pinunit ang damit at doon na pinagsamantalahan.

Walang ibang tao sa bahay at  sila lang dalawa dahil naglalako ang kaniyang ina ng mga kakanin para sa hanapbuhay nila. May bisyo ang kaniyang ama kaya ito walang trabaho at tambay.

Hinihingal ang kaniyang ama nang matapos ito sa kaniyang pambababoy sa anak. Lumabas ito at hinayaang pawisan at lumpasay na nakabukaka ang anak.

Biglang pumasok ang tiyuhin at lolo niya. Hindi niya ito pinansin dahil wala siyang lakas.

“Mas lalo kang gumaganda 'pag nakahubad, Anastasia.” Lumapit ang lolo niya at tiyuhin sa kaniya. Sinumulang hawakan ang kaniyang buong katawan at muling binaboy at pinagsamantalahan.

Nang matapos ang buong araw, walang lakas si Anastasia. Umiiyak lang siya sa loob ng kwarto niya. Lumabas para kumain at agad na natutulog. Nang gabing 'yon, muli na naman siyang pinagsamantalahan ng kaniyang ama.

Nang magising siyang muli sa umaga, magsusumbong sana siya sa kaniyang ina kaso wala ito nang madatnan niya. Umiiyak lang siya at tikom ang bibig. Biglang pumasok si Roger. Ang kapitbahay nilang taxi drayber. Tumingin siya sa kaniyang ama na may halong pamngamba at pagtataka. Pinakita lang ng kaniyang ama ang limang daan at ngumiti. Binenta ng kaniyang ama ang katawan niya.

Pagkatapos ni Roger, biglang pumasok si Kanor. Ang matandang mayaman sa baryo nila. Pinagtatapon ito ng pera at muli—binaboy na naman siya.

Sunod-sunod ang bawat pangyayari. Halos lahat ng lalaki sa baryo nila ay natikman at binaboy na siya.

Nalaman ito ng kaniyang ina. Imbes na magalit ay ikinatuwa pa ito dahil sa natatanggap na pera.

Isang gabi nang tiningnan ni Anastasia ang kaniyang sarili sa salamin, doon niya nakitang ang dumi na niya. Ang duming nananalaytay sa buong katawan niya.

Kumuha siya ng gunting at ginupit-gupit ang sariling buhok hanggang umikli ito. Tumutulo ang kaniyang luha at paika-ikang naglakad para kumuha ng kutsilyo sa kusina. Tinapyas ang kabilang pisngi at tinanggal ang mahaba't makapal na pilik mata.

Pumasok siya sa loob ng kuwarto ng kaniyang magulang. Walang malay ang dalawa habang pinagsasaksak niya ang mga ito.

Lumabas siya at pumunta sa gilid ng bahay nila kung saan doon nakatira ang tiyuhin at lolo niya. Doon niya na naman ang ginawa ang una niyang nagawa. Habang pinagsaksak niya ang mga ito, naaalala niya ang pambababoy na ginawa nila sa kaniya.

Sunod-sunod na pangyayari sa bilog na buwan sa isa lamang gabi. Roger, Kanor at halos lahat ng lalaking nambaboy sa kaniya ay pinuntahan at pinatay niya.

Parating na ang araw at mag-uumaga na. Natapos lahat ng pagpaslang niya sa mga kalalakihan sa mumunting baryo nila.

Nagsilabasan ang mga kababaehan at nagsiiyakan. Wala ang hagulhol nila sa hagulhol ni Anastasia na hindi pinansin ng mga asawa o anak nila. Walang-wala.

“Si Anastasia! Si Anastasia ang pumapatay!”

“Si Anastasia ang pumatay!”

Sigaw ng karamihan sa kanila. Bago pa pumatay si Anastasia, siya ang unang pinatay at inapakan lang basta-basta. Pinagkaitan ng kalayaan at hustisya dahil walang nakikinig sa kaniya. Kahit mumunting tinig walang mailabas sa bibig niya. Siya ang naningil ng hustisya. Hustisyang nakamtan na niya.

“Patayin din ang babaeng iyan!”

Habang papalapit pa lang ang mga kababaehang natira, tinarak na ni Anastasia ang hawak niyang kutsilyo sa puso niya.

Magmula ng araw na iyon, usap-usapan ang naganap sa baryong iyon. Nagkalat ang usapin hanggang sa lumaganap kung saan-saan. Sa naganap na 'yon, bawat lalaking dadayo sa kanila ay mamamatay.

Si Anastasia. Ang piping magandang nagkamit ng hustisya para sa sarili niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Compilations of Short Stories (CSS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon