DEATH PENALTY
“Walang kasalanan ang anak ko! T-Tama na!” napalingon ako sa matandang babae na umiiyak.
Nandito ako ngayon para saksihan ang paghuhukom sa mga taong bibitayin dahil kuno may kasalanan ang mga ito.
Nag-iiyakan ang ibang pamilya ng mga akusado.
“ANG BATAS AY BATAS”
Karatulang nakasulat sa malaking gusali.
“Ang bata pa ng anak ko! Huwag niyong hatulan ng kamatayan!”
“Wala kayong puso!”
“Ang tanda na ng tatay ko. Hintayin niyo na lang na mamatay! Parang awa niyo na.
Iilan lang 'yan sa aking mga naririnig sa paligid.
Nilapitan ko ang isang ale at hinawakan ang kaniyang balikat.
“Walang kasalanan ang asawa ko,“ umiyak siya nang umiyak. “Putanginang death penalty 'yan! Walang pinapalampas ang mga hayop! Masahol pa 'yan sa demonyo!” bulyaw niya habang nanginginig sa galit
“Ano po bang bintang sa kaniya?” tanong ko,
“May pinatay sa kabilang kanto namin. Ang totoong suspek ay ang anak ng gobernador. Wala kaming laban. May pera sila, samantalang kami, walang magagawa! Paano namin ilalaban ang panig namin kung hindi kami gahaman gaya nila? Paano namin madi-depensahan ang mga sarili namin kung wala kaming pera! Paano? Paano na kaming mahihirap na tao lang.” naiiyak niyang sambit kaya hinagod ko na lang ang kaniyang likod para tumahan.
Noong nakaraang dekada lang ay hinihiling ng mga tao na ibalik ang death penalty, pero ngayon nais na naman nilang ialis.
Naghari ang mga gahaman.
Isang bala para sa hustisya.
Pera ang nagpapaikot sa bansa.
Mga politikong hawak ang mamamayan sa leeg.
Walang kuwentang HUSTISYA SA BANSA.
Paano makukuha ang hustisya kung gagawan pa ng isa pang krimen?
YOU ARE READING
Compilations of Short Stories (CSS)
Short StoryThis is just a compilations of my one shots stories uploaded at my facebook account.
