CSS 21

27 3 0
                                        

UNTITLED

“KUNG ANONG NALALAMAN NIYO, YUN LANG ANG ISAGOT NIYO! HUWAG KAYONG MANGOPYA!” sambit ni ma'am sa amin.

I really don't what to do kasi 'di ko naman ako nakapag-review. Busy ako kagabi sa pagmamakaawa na sana 'wag akong hiwalayan ng boyfriend ko.

Lumingon-lingon ako sa kanan at kaliwa. Saktong ang nasa kaliwa ko ay ang top 1 namin at hindi tinatakpan ang kaniyang papel. Naakit akong mangopya na hindi nagpapahalata.

Nakapasa ako at laking pagpapasalamat ko no'n. Sabi ko 'di ko na uulitin pero talagang mahina ako. Bawat pagsusulit nakasanayan ko na talagang mangopya at umasa na lang sa kanila. Tutal, maipapasa rin naman ako e.

Naka-graduate ako and thanks God! Makakapag-apply na ako ng matinong trabaho.

Handa ang aking resume ay ipapasa ko na ito nang may ibigay ang kompanyang pinagt-trababuhan ko na mga tanong.

Binasa ko at halos hindi ko maintindihan kasi english at kailangan english din ang sagot.

May nakatabi akong isang babae na galante manamit, tiningnan ko ang sinasagutan niya na kapareho sa akin at paunti-unti itong kinokopya.

Pagkatapos pinasa ko na ito.

Naghintay ako ng mga 20 mins bago may lumabas na babae.

“I'm sorry, ma'am hindi ka po namin matatanggap. Hindi po namin maintindihan ang mga sagot mo na kapareho ro'n sa babaeng elementary graduate kaninang hindi rin nakapasa,” sabi niya.

Nanlumo ako bigla. Elementary graduate lang yun? College graduate ako. Tangina.

Now I realize na dapat hindi umasa sa iba. Napagtanto kong magagamit ang mga inaral sa hinaharap kaya nararapat na pagbutihan. Walang silbi ang pagkapasa kung gumraduate kang walang laman ang utak.

Compilations of Short Stories (CSS)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora