❝Buhay na Kagaguhan❞
Mga bagong silang na kabataan—
Mga batang maagang namulat sa kahirapan kaya nagsusumikap na maabot ang kanilang mga pangarap.
Pangarap nilang hinadlangan ng kahirapan at kagipitan.
“Anak, huwag ka na munang mag-aral ah. 'Yung ate mo na lang muna,” sambit ni ina na ikinapanlumo ko. Ngunit wala akong magawa kun'di ang tumango.
“Sige, 'nay. Kapag tapos na lang si ate. Siya na lang magpapaaral sa akin.” sambit ko na lamang at tahimik na humagulhol. Pinunit ko na lang ang mga papel ko at ang iba'y ginawa kong panggatong.
Lumipas ang limang taon. Limang taon akong nag-abang na makapagtapos ng pag-aaral ang aking nakakatandang kapatid. Bumukas ang pintuan—
Imbes na diploma at parangal ang bitbit—
Dalawang bata ang kaniyang bitbit at may akay pang dalawang kambal na puslit.
“Patawad 'nay. Hindi ko agad nasabi sa inyo na ako'y nag-asawa na sa Manila. Pero ako'y kaniyang iniwan kamakailan lang.” sambit niya at lumuha.
Hindi makapagsalita si inay dahil may sakit na kanser. Tikom ang aking bibig at kuyom ang kamao. Ang akala kong pag-asa ay biglang gumuho na lang na walang paalam.
Gabi na at ako'y naglalakad sa daan. Mga kapuwa lalakeng naglalandian. Biglang may humablot sa akin na isang bakla—
“Isang gabi para sa dalawang daan,” sambit nito at akmang ako'y hahalikan, pero agad kong napigilan.
“Tumigil ka,” mahinahon kong sambit.
“Ang laki na ng dalawang daan ah,” hawak niya sa kamay ko.
Bigla akong nakaramdam ng gutom. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong binuksan.
“Ang gamot ni inay ubo na.” text nito sa akin galing sa hinayupak at malandi kong kapatid.
Bigla kong hinablot at hinalikan ang bading sa aking harapan. Dinala sa silid na luma pero malawak ang espasyo.
Tuwang-tuwa ang bakla—
Ang laki raw ng aking pagkalalaki at siya'y natutuwa. Matapos ang ilang ulos ay agad ko nang tinapos at kinuha ang dalawang daan para lumisan.
Pinasok ko ang lahat ng kagaguhan sa bawat araw na nagdaan. Naging isa akong tagapagtanghal sa larangan ng mahika. Ngunit hindi sa maraming tao na nakakakita. Kun'di sa mga taong hindi nakakapansin na wala na pala ang bag nila.
Kung madami ang pera— tinutulong ko ito sa mga mahihirap sa daan. Kung ang mayayaman na dinadaanan lang sila kahit may pera, ibahin nila ako.
Ilang taon din ang nagdaan. Nagpatuloy ang gawain kong 'di marangal. Pero sa araw na ito, handa na akong magbago para maituwid ang sarili ko.
“Isa ka sa mga nakapasa sa board exam sa pagiging abogado, Worth.” sambit ng aking guro. Sobrang tuwa ko at ako'y nakapasa na. Matatapos na ang paghihirap ko sa buhay!
“Maraming salamat po!” magiliw na sambit ko.
“Paghandaan mo ang hahawakan mong kaso. Ang pagkamatay ni Governor Samonte, ang pagkamatay ng dalawang police sa Baranggay Santa Cruz, ang taong nagnakaw ng salapi sa bangko at pinasabog ito. Higit sa lahat... Lutasin mo ang kaso sa pagkamatay ng Presidente.”
Bigla akong nanlumo sa mga sinabi niya. A-Ang lahat ng iyon---
“Worth Amadeo, inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay Governor Samonte. Ang pamamaril mo sa dalawang police, ang pagpapasabog mo sa bangko at pagpatay mo sa Presidente.” sambit ng isang lalake sa aking likuran.
Ang daming police... Nakatutok lahat sa akin ang mga armas nila.
“Sumuko ka na Worth Amadeo!” akmang pupusasan ako pero pinatigil ko sila.
“Alam niyo ba ang ginagawa niyo? Puwede ko kayong sampahan ng kaso sa akusasyong iyan.” matapang kong sambit.
“May witness kami,”
Biglang may babaeng dumating. Habol ang kaniyang hininga at may nakatarak na kutsilyo sa braso.
“A-Ate?” tawag pansin ko sa kaniya. Siya ang ate ko na dahilan ng lahat ng ito.
“Patawad, Worth. Sumuko ka na.”
BINABASA MO ANG
Compilations of Short Stories (CSS)
Short StoryThis is just a compilations of my one shots stories uploaded at my facebook account.
