CSS 18

17 3 0
                                        


TAYO NA LANG PRANK

“Sige na bes! Bagal mo naman. Prank lang naman e, libre kita mamaya,” sabi sa'kin ng kaibigan kong si Lily. Tarantada talaga 'tong babae na 'to.

“Pakyu ka naman! Nakakahiya,” sabi ko.

“Ang sasabihin mo lang naman ay, beh, single ka ba? Kapag nag-oo, sabihin mo prank lang.” Tinulak niya ako kaya wala na akong magawa kung hindi pairalin ang kaharutan ko. Lumapit ako sa isang lalaki.

“Pogi, single ka ba?” tanong ko.

“Hindi po. May jowa na po ako. Heto po.” Inakbayan nya ang isang babae na tinaasan ako ng kilay. E, mukha namang hipon ang jowa tapon ulo.

“Sayang ka boy,” natatawang sabi ko at tumalikod.

Nagkibit balikat naman ako kay Lily na tawang-tawa.

May biglang sumulpot na gwapo kaya agad na inayos ko ang buhok at mukha ko.

“Pogi? Single ka ba?” tanong ko.

“Yes,” sagot niya.

“Single din ako. Tayo na lang dalawa?”

Ngumiti sya na parang nakakaloko na nagpatayo sa mga balahibo ko.

“Prank lang, kuya. Prank lang po. Jusmiyo naman!” sabi ko.

Tatakbo na ako nang hawakan niya ang braso ko.

“Talaga ba, Aya?”

Kilala nya ako? Wtf. Sana all kilala kasi di ko sya kilala.

“Hindi naman kita kilala.”

“Hindi na pala ako single, Aya.”

“Sige po. Ang creepy nyo. Ako rin po hindi naman na single,” pagsisinungaling ko.

“What the—who the hell is your boyfriend!?” halos umakyat lahat ng kaba sa utak ko sa pagsigaw nya. “I-I'm sorry. I'm taken already for almost 2 years. Secretly taken with you, Aya.”

Para naman akong timang na nakangiti. Ang harot talaga, self! Pota.

“So tayo na lang dalawa? Tayo na lang magsama?” tanong ko.

“Liligawan muna kita. Gusto ko dapat alam mong deserve talaga ako sa oo mo.”

“Kumakanta nga lang ako! Sino ka ba?”

“Future tatay ng mga anak natin. Ako pala si Harris.”

Bigla akong may naalala na nakalimutan ko na.

“Ako yung nangako sayo noon na papakasalan ka paglaki mo. Kasi nahiya akong lapitan ka. Buti nga tinanong mo kung single ako.”

Compilations of Short Stories (CSS)Where stories live. Discover now