UNTITLED
“LATE KA NA NAMAN!” bulyaw ni ma'am sa akin pagpasok ko pa lang sa room.
“Sorry po, ma'am. Naghihintay pa po kasi ako sa mama ko, baka kasi umuwi na siya,” sabi ko.
“Huwag ka na magpaliwanag! Kapag lagi kang late, wala kang patutunguhan sa buhay,” sabi niya pa.
Umupo na lang ako at nakinig sa kaniya kahit patapos na s'ya magpaliwanag.
Araw-araw akong late kaya araw-araw din akong napapagalitan.
“Bakit ba talaga lagi kang late ha? Kung ganyan ka lagi, babagsak ka! Tumigil ka na lang sa pag-aaral, hija kung ganiyan. Sayang ang effort mo,” sabi niya sa akin. Pinipigilan ko na lang na 'wag kumawala ang luha sa'king mga mata at nagsalita.
“Pasensya na ho, ma'am. Hinihintay ko kasi ang mama ko tuwing alas syete ng umaga kasi sabi niya babalikan niya ako sa oras kung kailan iniwan niya ako. Naglalakad lang din ako papunta rito. Trenta minuto po ang nilalakad ko araw-araw at hindi po ako nag-aalmusal kasi wala akong ina at ama. Nagsumikap lang po akong pumasok sa eskwela kasi gusto kong may maabot sa buhay at matupad ang mga pangarap ko. Kung dahil sa late lang po ang dahilan kung ba't hindi ko maaabot ang mga pangarap ko sa buhay, sige po,” sambit ko at lumabas sa klase niya na umiiyak.
Mula noong araw na iyon, may mga tulong na nakarating sa akin. Hanggang sa nakapagtapos ako na hindi na bumabalik sa mama.
“Bakit ka late?” tanong ko sa estudyante ko.
“Sorry po, ma'am. Hinihintay ko po ang baon na ibibigay ni papa,” sabi niya.
“Mabuti at pumasok ka kahit na late. Determinado ka talagang mag-aral.”
YOU ARE READING
Compilations of Short Stories (CSS)
Short StoryThis is just a compilations of my one shots stories uploaded at my facebook account.
