CSS 8

39 2 0
                                        

THAT ONE TIME


“Bilisan niyo na kasi!” bulyaw ko sa mga kaibigan kong hila-hila ako.

Nandito kami ngayon sa labas ng isang Cafeteria. Naghihintay na may lumabas para may mapag-tripan.

“Ayan na. Kapag lumingon ang lalakeng 'yan, ibig sabihin gusto ka niya,” nakangiting sabi ni Alexa at hinampas-hampas ako. Kagaguhan talaga ng mga kaibigan ko.

Biglang lumingon ang lalake sa kinaroroonan namin. Nagulat ako kasi baka pagalitan kami.

“Uy tama na 'yan!” saway ko kay Alexa at Trish. Pero hindi sila nagpaawat, bagkus ay mas lumapit pa kami sa lalake.

Sakto lang ang pangangatawan niya at may pulang labi. Brown ang kulay ng buhok, chinito at maputi. Sa hindi inaasahang 'di ko pagpansin, natameme na lang ako dahil biglang nasa harap na kami ng lalake.

“Yiee...” tili ni Trish at siniko ako sa tagiliran. Inayos-ayos naman ni Alexa ang magulo kong buhok.

Ngumiti ang lalake sa amin. Kinilig tuloy ang puso ko kaya napangiti na rin ako.

“Ang cute mo naman,” pisil ng lalake sa pisngi ko. First time may pumuri sa akin na cute ako. “Magsuklay ka rin minsan para mas lalo kang maging cute.” dagdag pa niya at hinamas ang buhok kong magulo nga.

“Gusto ka raw niya,” sambit ni Alexa. Siniko ko naman ito kaya napatakip siya sa bibib niya.

“Gusto rin kita,” napaawang ang labi ko sa sinabi niya. G-Gusto niya rin ako? Bakit naman kaya? Baka dahil sa cute ako.

Biglang bumukas ang pinto ng Cafeteria,

“Let's go hon,” tono ng matipunong lalake sa likuran, kaya naman napalingon kami rito.

“Ay, girls! Jowa ko pala.” sabay hablot niya sa braso ng lalake. W-What?

Humalakhak naman ang dalawang babae na nasa likuran ko.

“A-Akala ko ba gusto mo ako?” matapang na sabi ko.

“Ah, oo nga. Gusto kitang ayusan kasi may igaganda ka pa. Visit ka minsan sa parlor ko, oh ito ang address,” sabay abot niya sa akin ng isang card at ngumiti.

Compilations of Short Stories (CSS)Where stories live. Discover now