UNTITLED
“WALA KANG KWENTANG ANAK! MAS MABUTI PANG PINATAY NA LANG KITA NOONG BATA KA!”
Napayuko na lang ako sa sigaw ni mama at pinilit na huwag umiyak sa harapan niya. Pinakita ko kasi sa kaniya ang card ko at halos hindi kataasan ang grado ko kahit na ginagawa ko naman ang lahat.
“I'm sorry, ma. Pinipilit ko naman ka—”
“Huwag ka na mag dahilan pa! Bobo ka lang talaga! Wala kang mararating sa buhay!”
Umiyak ako nang umiyak. At that day, mas naging matatag ako at gustong patunayan pa ang sarili ko kay mama. Nagsikap ako nang mabuti. Kahit hindi kalakihan ang mga grado ko, at least alam kong pinaghirapan ko ang mga ito.
“Mama? I'm sorry, I got low grades at math.” Nakayukong sambit ng anak ko. Hinimas ko na lang ang ulo niya at hinalikan siya sa pisngi.
“It's okay, nak. Bawi ka na lang sa susunod ah? Just do your best. Tuturuan na lang kita mamaya pagkatapos ko gawin ang mga lesson plan ko,” sabi ko sa kaniya.
“I love you, mama!” Niyakap niya ako nang sobrang higpit.
Tiningnan ko si mama na nasa sala, wala sa katinuan dahil may edad at sakit na. Nilapitan ko siya at niyakap.
“Thank you sa lahat ng mga pasakit na nagpatatag sa akin, ma.” Hinigpitan ko ang yakap ko at hinalikan siya sa pisngi.
Hurtful words can makes us more stronger in life. Hindi dapat natin dibdibin ang mga masasakit na salita sa halip ay gawin nating inspirasyon para may mapatunayan sa kanila. At huwag mong gagawin sa iba ang ginawa ng nakaraan sayo lalo na't alam mong masakit ito.
YOU ARE READING
Compilations of Short Stories (CSS)
Short StoryThis is just a compilations of my one shots stories uploaded at my facebook account.
