CSS 2

83 6 0
                                        

THE UNTOLD STORY OF MY LIFE.

Sabi nila, ang swerte ko raw sa pamilya
ko. Nakukuha ko raw lahat ng luho at gusto ko.

Hindi nila alam, ang malas-malas ko.
Ang kagustuhan at kaligayan  ko, pinagkait sa akin.
Hindi naman sila ang tunay na pamilya ko.

9 years old ako nang biglang pumasok ang lolo ko sa kwarto, hinawakan ang pribadong katawan ko na ikinailang ko. Tumakbo ako pero nasabunutan niya ako. Palapit nang palapit kami sa hagdan nang bigla ko syang maitulak papunta sa unang palapag. Nagkalat ang mga dugo na siyang ikinatakot ko kaya naman agad akong nagtago sa kuwarto.

Sabi nila, ang dami ko raw kaibigan.

Hindi nila alam, kahit isa walang totoo sa kanila. Lahat ng kaibigan ko lumalapit lang sa akin kapag may kailangan.

May taong tinuring akong bestfriend, gano'n din ako sa kaniya. Lagi-lagi rin akong pumupunta sa kanila at mahal ako ng pamilya niya. Isang araw nakaramdam ako ng pagnanasang maging nanay rin ang nanay niya. At gusto kong ako lang ang anak nito. Gabi no'n nang maligo kami sa isang resort. Doon ko na sinimulan ang plano ko. Habang naliligo, dahan-dahan ko siyang kinukulit papunta sa malalim na tubig. Nang makarating na sa medyo malayo, tinulak-tulak ko siya knowing na alam kong 'di siya marunong lumangoy. Pero tangina may nakakita rin sa amin at tinulungan siya.

Sabi nila, matalino raw ako.

Hindi nila alam, pinapatay ko lahat ng mga estudyanteng matatalino sa classroom namin. Naaalala ko pa no'ng 48 ang nakuha kong score samantalang 50 o perfect score ang nakuha ng isa kong kaklase, nainis ako kasi hadlang siya sa pagiging top 1 ko. Kaya naman noong pauwi na kami, sinabay ko siya kunwari ililibre ko. Sa may bandang gubat, doon ko na sinimulan ang kalokohan ko sa kaniya. Sinaksak ko siya at tinanggalan ng utak tiyaka ko ito kinain.

Sabi nila, maswerte ako sa jowa ko.

Hindi nila alam, malandi ang jowa ko. Kaya sa tuwing may nilalandi siya, may maipapakain ako lagi sa kaniya. Pinapatay ko lahat ng kalandian niya o kahit na babaeng makikipag-usap lang sa kaniya.

Sabi nila, mag-isa lang ako.

Hindi nila alam tuwing gabi kasama ko si kalungkutan at kamatayan. Sila lagi ang nakaabang, dagdag pa ang luha na laging bumabaha.

Sabi nila, masiyahin akong tao.

Hindi nila alam, sobrang durog na ako.

Sabi nila, may mararating ako.

Oo, meron. Dahil tatanggalin ko lahat ng hadlang sa mga pangarap ko.

Compilations of Short Stories (CSS)Where stories live. Discover now