UNTITLED
Habang nagsasalita ang guro namin sa ESP, tahimik lang ako at hindi nakikinig. Ngatngat ang uluhan ng ballpen ko at mukhang aantukin na sa bagal niyang magturo.
“Ano ba ang mas masakit? Magkawatak-watak ang pamilya o ang buong pamilya pero magulo?” bigla niyang usal na ikinatahimik ko.
Tumayo si Lisa, ang pabibo kong kaklase.
“Sir, kung ako ang tatanungin, mas pipiliin ko po ang buong pamilya kahit magulo. Mapag-uusapan naman po 'yon at maaayos.” Umupo siya at ngumiti sa buong klase.
“Lahat ba kayo ay payag sa magulo pero buong pamilya?” tanong ulit ni Sir. Tumango ang lahat maliban sa akin.
“Amadeo, sang-ayon ka sa magulo pero buong pamilya?” tanong niya. I know he's expecting some unique answers from me. Ganito siya lagi.
“Base on my experience, mas mabuting magkawatak-watak na lang ang pamilya. Bakit pa natin pipiliing buohin ang sira na? Kagaya na lamang ng basag na salamin. Mababalik ba ang ayos ng salamin na basag? Sugat lang dadanasin mo. Kailangang paghiwalayin ang mga tao para maayos ang mga sarili nito. Parang bagay lang, kailangan nasa lugar niya dahil kung hindi, hindi ito babagay—naiiba. Kagaya mo, pa. Pinilit kong ayusin ang meron sa inyong dalawa ni mama, pero pinili mong tapusin dahil alam mong wala na talagang patutunguhan ang pamilya natin. Mabuti nga at naghiwalay kayo, nahanap niyo ang ibang taong nararapat sa inyo. Nag-asawa ka, nag-asawa si mama. Paano ako? Heto, kawawa. Haha.”
Pagkatapos kong sumagot, pinunasan ko ang luha ko at nilisan ang eskuwelahan at nakipag-inuman na naman sa mga tropa ko. That bastard is my fucking father. My ESP teacher.
YOU ARE READING
Compilations of Short Stories (CSS)
Short StoryThis is just a compilations of my one shots stories uploaded at my facebook account.
