UNTITLED
“MASARAP BA SIYA? MAS MAGALING BA SIYA?! ANO, SAGOT!?” nangingiyak at galit kong sambit kay Kyle.
He broke up with me without a valid reason. But I think, may relasyon sila ng ate ko.
“I j-just dont love you anymore, Raya,” sambit niya at iniwan ako.
Napatawa ako na naiiyak na hindi ko alam.
“Si ate ba ang dahilan?”
“Alam mo namang ex ko siya at mahal ko—”
“Okay lang. Naiintindihan ko.”
Umuwi ako sa bahay na luhaan. Wala sila mama at papa dahil nasa bakasyon sila sa States. Kami lang dalawa ng malandi kong kapatid.
Pagpasok ko sa bahay, nakita ko si ateng nagluluto. May pinapakulaang tubig sa kaldero. Biglang uminit ang ulo ko kaya nilapitan ko siya.
“Para kanino yan?” tanong ko.
“Para sa ex ko na jinowa mo na jowa ko na ulit ngayon. Sorry 'lil sis, mas masarap ako sayo.”
Bigla akong nainis sa sinabi niya. Sinabunutan ko siya at kinuha ang kutsilyo sa gilid at tinarak sa leeg niya.
“Wala kang kwentang kapatid! Mang-aagaw ka!” Todo saksak parin ako sa kaniya hanggang sa nagkalat ang dugo sa sahig at maputulan na siya ng hininga.
Bigla akong natauhan. Gulong-gulo ako na halos maiyak-iyak na.
No. Walang pwedeng makaalam nito. Hindi pwedeng nandito ang bangkay niya o nandito ito.
Pupunta si Kyle dito mamaya. Kinuha ko ang meat knife at pinutol ang ulo ni ate. Siniguraro kong walang makakakita at lock ang mga bintana at pinto. Nilinis ko ang mga nagkalat na dugo at pina-flush ko sa toilet ang utak at puso ni ate. Inadobo ko naman ang utong at dibdib na may kasamang sensitibong katawan ni ate. 'Yung natira, nilagay ko muna sa ref. Lulutuin ko mamaya para ibigay sa mga batang kalye.
Biglang may nag door bell. Inayos ko na ang lamesa at sarili ko. Malinis na rin ang bahay.
“Oh! Kyle,” nakangiti kong sambit. “Don't worry, 'di na ako galit. Actually may pinuntahan lang si ate pero sabi niya kain ka na raw muna sa loob.”
Pumasok naman ang tanga at umupo sa dining.
“Si Ate 'yan, masarap 'yan—I mean si ate nagluto niyan.” Tiningnan ko lang siya at pinagsilbihan.
Sumubo na siya, “Masarap.”
“Masarap!?” galit na bulyaw ko.
“Bakit ka galit?”
“Wala lang. Masarap nga talaga si ate kaya mo binalikan.”
YOU ARE READING
Compilations of Short Stories (CSS)
Short StoryThis is just a compilations of my one shots stories uploaded at my facebook account.
