CSS 24

11 3 1
                                        

UNTITLED

“L-Love, I'm s-so sorry,” sabi ni Anthony sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko nang sobrang higpit.

“Bakit naman?” tanong ko.

“It was just a biggest mistake. Hindi ko sinasadya. Bumalik si Callia, my ex. Hindi ko naman na dapat siya pinatulan, pero nagpumilit siya. Last night, may nangyari sa aming dalawa. Alam kong mali kaya sana—” hindi na niya natapos ang sasabihin niya.

“Kaya ba hindi mo ako sinipot sa birthday ko dahil sa kaniya? At ang sabi mo, urgent may emergency?”

“Y-Yes...”

“Okay lang. Kasalanan ko naman. Mas malala ang katangahang pagkakamali ang ginawa ko.”

“Why?”

“Kasi kampante lang ako. Kasi pinagkatiwalaan kita na 'di mo magagawa sa akin ang ganiyan. Kasi 'di ko inalam kung saan ka pumunta noong gabing 'yon.”

Tumulo ang luha sa mga mata ko kaya agad ko itong pinunasan.

“I-I'm sorry, love.”

“Huwag mo na ako tawaging love, Anthony dahil hindi mo ako mahal. Kung mahal mo ako hindi mo magagawa sa akin ang ganiyan. At huwag kang mag sorry dahil alam nating parehong 'di pagkakamali 'yan. Choice mo 'yan. Pwede kang mamili kung doon ka ba sa tama o mali. But you still choose to cheat on me. Hindi mo ako mahal.”

“Mahal kita! Patawarin mo na ako. Hindi ko sinasadya.”

“Potangina, Anthony! Isang pangyayari lang 'yan na pwedeng maiwasan! Fuck! Ang daming rason para pigilan ang pagloloko kung mahal mo ang isang tao. Pero mas pinili mo ang isang rason—libog lang ang katapat sa pagmamahal mong 'di naging tapat. It's over. I'm breaking up with you. Simpleng bagay hindi ka mapagkakatiwalaan, paano kapag sa malaking bagay na? Paano kung asawa na kita? Tama na.”

Tumakbo na ako paalis at iniwan siya. Cheating is a sin. Pinili nila ang magloko keysa hanapan ng maraming rason para maging loyal sa isang tao.

Compilations of Short Stories (CSS)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora