CSS 3

51 3 0
                                        

UNTITLED

Habang nags-scroll ako sa facebook, biglang may napadaang isang video, hinintay ko para mag play iyon. Naka full volume na ang cp ko at nasa gilid ko ang lola ko. Biglang may umungol nang malakas.

“Ahh tama na!”

“Ahh masakit!”

Blurred ang video sa umpisa. Tiningnan naman ako ni lola at pinagalitan ako kasi nanonood ako ng porn.

“Ano ba 'yang pinapanood mo! Huwag mo na nga 'yang tapusin. Kay landi-landi ng babae,” sabi ni lola. Hindi ko siya pinakinggan at tutok pa rin sa video. Maya-maya biglang naging pula ang video. Halatang sariwang dugo. Biglang may nagpakitang babae na punong-puno ng dugo at punit-punit ang kaniyang damit.

“Hinusgahan niyo na agad ako hindi niyo pa nga alam ang buong kuwento. Hindi niyo alam ang pinagdaanan ko. W-Wala kayong alam kaya kung sino mang humusga sa akin ay mamamatay. Akala niyo malandi ako? 'Yan din sabi ng lahat sa akin lalo na ang mga magulang ko. Pero 'di nila alam...ginahasa ako. Ginahasa ako ng taong pinagkakatiwalaan ko. Ang papa ko na naunang nanghusga sa akin. Kaya mamatay na ang humusga sa akin.” Tumutulo ang luha niya habang nagsasalita sa video. Biglang natapos ang video at biglang nag home ang cellphone ko. Tiningnan ko si lola, nakahandusay na siya sa sahig at saksak ang sarili niya.

“Lolaaaa!” Nilapitan ko agad siya habang umiiyak. “Gising, la!”

Naalala ko ang sinabi ng babae sa video. Hinusgahan nga siya ni lola. Isa lang ang alam at pumasok sa isip ko. Huwag na huwag husgahan ang tao kung 'di alam ang buong kuwentong sinapit nito.

Pakalat nang pakalat ang video. Habang may nakakapanood rito, may humuhusga sa umpisa. At kapag may humusga, may namamatay.

Compilations of Short Stories (CSS)Kde žijí příběhy. Začni objevovat