UNTITLED
“Believe me, I'm lying. I don't love you since then,” saad niya at binitawan ang kamay ko.
“Believe me, I know from the very big beginning. Pero mas pinili kong manatili kasi mahal kita kahit hindi naman ako ang mahal mo. Kulang pa ba ang pagpapakatanga ko para hindi mo ako matutuhang mahalin?” sambit ko na may diin at emosyon sa aking sinasabi.
“I'm sorry. Pinilit ko rin naman. Akala ko mahuhulog ako sa'yo. But I was wrong. Hindi basta-basta natuturuan ang puso.”
Tinalikuran niya ako at naglakad papalayo. Tiningnan ko na lang siya at kusang tumulo ang luha sa'king mata.
“Kung ang utak ang nagpapagana sa lahat para may maisip ka at may mapasok na kaalaman, hindi pala ito ang tunay na bobo. Puso ang bobo na kahit anong pilit mong turuan ito, ayaw pa rin magtino,” bulong ko sa hangin at lumisan.
YOU ARE READING
Compilations of Short Stories (CSS)
Short StoryThis is just a compilations of my one shots stories uploaded at my facebook account.
