UNTITLED
“UY! CRUSH KITA. HUWAG MO AKO IWASAN, AH?” Akbay ko sa isang lalaking 'di ko kakilala.
“Baklang 'to! Ano ka ba, girl! Hindi tayo talo. Baka ma-jumbag pa kita dyan,” sabi nya at inalis ang kamay ko sa pagkakaakbay sa kaniya.
Sayang bakla gwapo pa naman.
“So, ano na, Maxx? Talo ka na. Sumuko ka na. Hindi ka na makakahanap ng lalaking gugustuhin ka pabalik,” natatawang sambit ni Alicia. Hayop talaga 'tong babaeng 'to.
“Wala ka lang sigurong appeal, Maxx,” sabat ni Trish.
“Tumahimik kayo. Laro lang 'to ha. Doblehan ko ang acting style ko ngayon. Dalawang libo kapag may kumagat sa paing na 'to,” sabi ko.
“Ang unang lalabas na lalaki dyan sa canteen ang sasabihan mo ulit ha. Kailangan mas convince ang lahat,” sabi ni Trish.
“Heto 2k. Kapag nanalo ka, sayo. Kapag wala, ibalik mo ang 2k na doble.” Abot sa akin ni Alicia sa pera. Hayop na 'to. Sayang din kasi ang pera.
Hinintay namin na may lumabas na lalaki.
“Ayan na! Ayan na girl!” tili ni Trish.
Fuck. No way! It was Rence. Oh no. Not this time.
“Oh ow. Si Rence pa talaga, Maxx ah. Sure akong snob ka nyan. Ihanda mo na ang dobleng balik. Walang atrasan o angalan,” sabi ni Alicia.
Rence is my crush since elementary pa kami. Kaso hindi naman sya madalas nagsasalita. Pero nahuhuli ko sya minsan na nakatingin sa akin kaso hindi naman ako assuming.
Lumakad na ako papunta kay Rence na nakatayo habang may tinitingnan sa kanyang cellphone.
“Ahm. Hey, Rence? I want to confess something. Ahm, a-ano kasi e...” nauutal kong sambit.
“May problema ba, Maxx?” tanong nya.
“Crush kita simula pa noong elementary tayo. Crush mo rin ba ako? Ayy n-no. I mean, alam ko namang hindi, sorry makapal ang mukha ko. Dapat joke lang 'to kasi laro lang namin 'to nila Alicia at Trish e. Pero sige na lang, magpapatalo na ako sa kanila. Now you know na gusto kita mula pa noon, end of my life na. I-I know na hindi mo mapapan—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko.
“Ang ingay mo. Keep the money,” Pinasok nya sa wallet ko ang hawak kong pera. “Panalo ka sa kanila. Actually sobra pa nga. Maybe I don't like you, Maxx. But since the first time we met, I guess, I love you already. I don't talk to other, because you are the one I wanted to talk to. But I'm scared of thinking that you can't love me back,” mabahang litanya niya na ikinanganga ko. “Isara mo bibig mo baka malaplap ko.”
“G-Gusto mo ako?”
“No. Mahal kita.”
“H-How?”
“Because I just did and I don't know. Let me court you and you will know why.”
Halos hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.
“I love you, Maxx.”
Hinawakan nya ang kamay ko at pinuntahan ang kinaroroonan nila Alicia at Trish.
“Sorry girls, and thank you,” sabi ni Rence sa dalawa na nakabusangot ang mukha.
CZYTASZ
Compilations of Short Stories (CSS)
Krótkie OpowiadaniaThis is just a compilations of my one shots stories uploaded at my facebook account.
