UNTITLED
The time traveller shook his head in front of many people.
“I travel the future,” he said.
“Wah! Sino ang future asawa ko?”
“Mayaman na ba ako!?”
“Naging Doctor na ba ako?”
“Ilang anak ang meron ako?”
“Si crush ba ang mapapangasawa ko?”
Tiningnan lang ng lalaki ang mga taong nagtatanong at naghihiyawan kung ano ang naging kapalaran nila.
“Hindi niyo man lang ba tatanungin kung may mundo pa ba sa future? Hindi niyo ba itatanong kung ano ang nakita kong mundo? Lahat kayo walang future. Wala na ang mundo sa panahong iyon. Kung hindi natin mababago 'yon, lahat ng tanong niyo ay walang kasagutan. Magiging isa kayong blangkong hangin sa mundo. How can I see people's future if I can't see world?”
Napatanga ang mga taong nakikinig sa kaniya.
Wala akong future...
Wala na ang mundo...
YOU ARE READING
Compilations of Short Stories (CSS)
Short StoryThis is just a compilations of my one shots stories uploaded at my facebook account.
