❝SHE'S GONE❞
I always admire her for being brave.
Every time I saw her, she always smile.
“Uy! Huwag mo nga akong titigan.” sambit niya at inakbayan ako.
“Ang ganda mo kasi. Tapos ang tapang pa,” simpleng sambit ko at hinawakan ang buhok niya.
“May boyfriend na ako,”
Bigla akong nakaramdam ng inis. Bakit ganito? Biglaan lang ang nangyari.
“Sana maging masaya ka,” sabi ko at tinanggal ang kamay mo na nakaakbay sa akin.
“Dapat sana ikaw 'yon, Worth e. Kaso torpe ka. Dapat ikaw 'yon kaso walang lumalabas sa bibig mo na kahit anong kataga.” mahinahong sabi mo.
Ngumiti lang ako at tinignan ang maamo mong mukha.
“Mahal talaga kita. Kaya sorry ah? Huli na ako. Huli na ako...” tumulo ang luha sa aking mata.
“Huli ka na talaga. Pinatay na niya ako e,” sambit mo at unti-unting naglaho na.
YOU ARE READING
Compilations of Short Stories (CSS)
Short StoryThis is just a compilations of my one shots stories uploaded at my facebook account.
