38. ACQUAINTANCE BALL DAY

175 12 0
                                    

LIEN POV.

Nakahanda na ang dress na susuotin ko para mamayang gabi sa ACQUAINTANCE ball. Oo tama kayo pinayagan nga ako ng parents ko sumama at may dress pang ginawa si mama para sa akin.

Nakakatuwa lang kung gaano ako kamahal ng magulang ko na halos lahat ng mayroon sa school ay sinusuportahan nila ako.

5pm na at nakaligo na ako. Yung kapitbahay naming bakla na si ninang elly ang mag aayos ng buhok at make up ko. Wala kasi sila mama nasa work pa sila kaya binilin nalang ako kay ninang elly.

Plinantsa ang buhok ko pero yung dulo ay naka kulot. After a month kasi yung buhok kong pina perm Sa salon ay bumalik na sa dati .

Nilagyan ng hair spray Ang dulo para magstay ang kulot. Naka hairpin sa likod tapos kunteng pa kulot na mahaba sa magkabilaang tenga.

Ang make up ko simple lang din pero bumagay sa akin. Ang galing talaga ni ninang elly mag ayos. Baklang bakla hehe..

Tapos sinuot ko na ang dress kulay green siya hanggang tuhod may parang belt na brown sa tiyan tapos sleeve less. Kasi spaghetti strap siya.
Yung sandals ko na kulay brown mga 2 inch lang ang taas kasi hindi ko keri ang mataas.

"wow ang ganda ganda na ng inaanak ko! Mag iingat ka dun anak hah! " sabi ni ninang elly..

"salamat po ninang elly da best po talaga kayo eh! " sagot ko.

"oh sya sige na mag iingat ka ah.!"

"opo ninang aalis na po ako. " paalam ko.

Sling bag na kulay brown ang dala ko panyo saka pera ang laman. Paglabas ko sa kanto ay nakita ko na si jerome na kumakaway..

"wow ang ganda ganda mo ngayon lien! " sabi nya ng makalapit ako.

"nako ikaw nga din eh ang Gwapo gwapo mo ngayon bagay sayo ang black polo and pants naka tack in pa naks naman" haha sabay tawa naming dalawa.

"nako ako pang binola nito tara na nga! Kumapit ka sa akin! " sabay lagay niya ng kamay ko sa braso niya.

"ang Gentleman naman salamat! "sabay ngiti ko.

Medyo na traffic kami at mag 06:50pm na kami naka baba ng jeep.
Baka nag aantay na sa akin si Jeffrey dun nako naman ang traffic. Hindi kami nagmadali pumasok sa loob ng school dahil baka matapilok ako at masira pa ang sandals ko nako mumurahin lang toh baka masira pa nakakahiya.


JEFFREY POV.

6pm pa lang andto na ako sa school hindi naman ako masyadong excited hehe. Andto na din sila james at ang ka date niyang si anj. Si jayson naman ay si rosaly ang ka date, tapos si ivan at aileen.

Pero si lien ay wala pa. Sabagay maaga pa naman dadating din yun.
Sana magustuhan niya ang suot ko white polo tapos black pants naka tuck in and white vans ruber shoes.
Tapos kunteng pamada sa buhok hehe..

Pero mag 7pm na wala pa din siya hindi na ata siya tutuloy. Pero bakit?
Nag uumpisa na ang ball.

"jeffrey andiyan na siya! " tawag ni jayson. Kaya napalingon ako sa entrance.

Woow.. Si lien ba toh! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita siya. Napaka ganda niya sa suot niyang dress na green. Kasama niya si jerome inaalalayan siya.

Parang nag slow motion ang lahat habang papalapit siya. Sumabay pa ang tunog nA pag ibig na kaya . Halos mapunit na ata ang labi ko sa sobrang ngiti.

LIEN POV.

Pagpasok namin ay agad ko naman nakita sila sa loob mukang inaantay nila ako at malapit sila sa entrance pumwesto.

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Where stories live. Discover now