45. BAKASYON : paalam mahal ❤😭

171 12 0
                                    


LIEN POV.

naka alis na sila mama at papa para pumasok sa trabaho nila. Bakasyon na kaya ako lang naiwan sa bahay.

Tanghali na at nag asikaso na ako dahil mag kikita kami ni jeffrey ngayon sa sungken.

Hindi ko alam pero medyo kinakabahan ako. Bahala na nga. Naka alis na ako sa bahay, nagpayong ako kasi medyo tirik ang araw.

Nag shorts and t-shirt na light pink lang ako. Sumakay na ako ng jeep. Pansin kong wala ganong pasahero si manong driver. sabagay ay bakasyon kaya medyo lugi ang mga jeepney driver ngayon.

Malapit lang naman ang sungken sa bayan kaya medyo mabilis ang biyahe ko. Pagka baba ko ay binuksan ko ulit ang dala kong payong.

Malayo pa lang ay natatanaw ko na si jeffrey. Mukang Napaaga siya o kaya naman na late ata ako.

Ang gwapo niya sa suot niyang striped na T-shirt na kulay white na may black at sa short na plain black.

Paglapit ko sa sungken garden ay tiniklop ko na ang payong. Dahil malilim naman dito.

Nagulat ako ng pag lapit niya ay mahigpit na yakap ang binigay niya sakin. Mas lalo akong kinabahan iba ang feeling ko. Ngayon ko lang nakita na ganto si jeffrey.

"ang higpit naman ng yakap mo para ka namang aalis ehh!"

"na miss kasi kita lien"

"hmm. Kahapon lang tayo nagkita ahh namiss mo na agad ako. " sabay ngiti ko.

"tara na nga dun. Lumalaki ulo mo sa kilig ehh! "

"baliw hindi kaya ako kinikeleg"

Naupo na kami sa tapat ng jamboree lake. Ang jamboree lake na sinasabing may naninirahan na sirena.

"ang ganda talaga dito noh! Kung medyo lang sana malinaw ang tubig mas lalong gaganda ang lake na toh? "

"oo tama ka maganda ang lake na toh! Parang ikaw maganda! "

"sus. Naalala ko ano nga ba yung gusto mong sabihin sakin Jeffrey? "

Ng tanungin ko ang bagay na yun ay pansin kong lumungkot ang muka niya. Hindi ko alam pero kinabahan na naman ako.

"lien makinig ka muna sakin ok! Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo toh pero lien gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Hindi ko toh ginusto pero kailangan lien"

Mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko. Feeling ko tutulo na ang luha sa mga mata ko.

"Jeffrey hindi kita maintindhan? Ano bang problema plss sabihin mo naman "

"lien lilipat na kasi kami ni ate jen sa bahay namin sa laguna. Dun nadin ako pagtutuluyin sa pag aaral. Tumanggi ako pero lien wala ako magawa pinag aaral lang ako ng magulang ko. Last week ko pa nalaman pero hindi ko agad sinabi sayo dahil ayaw kong makitang malungkot ka."

Walang salita ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam pero feeling ko para akong napipi. Gusto ko humagulgul sa iyak.

Naiisipin ko palang ang mga sinabi ni jeffrey na magkakalayo na kami para akong hindi makahinga. Niyakap niya ulit ako ng mahigpit at last tumulo na ang luha na kanina pa gustong lumabas.

"lien sorry sana maintindihan mo ako. I just promised you Walang mag babago tayo padin. Ikaw lang mahal ko promise ko sayo yan. And weekly kita dadalawin dito. Just promised me din na hindi ka malulungkot at higit sa lahat ayaw kong makikita kang iiyak ok! LDR lang yan si lien at Jeffrey tayo diba! "

"i promise Hindi ako iiyak at hindi din ako malulungkot. Pero sana ikaw din ah! Mamimiss kita!"

Hindi ko na namalayan na napahagulgul na pala ako ng iyak. Halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon lungkot, takot at pag aalala.

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Where stories live. Discover now