20. HOLLOWEEN ROOM DECORATION.

194 13 0
                                    

LIEN POV.

Pumunta ako sa faculty ng filipino at nalaman kong absent pala si maam. Melin ngayon. Kaya kinuha ko na lang ang mga materials na ginamit ko kahapon. Tinabi ko kasi dito yun itutuloy na lang namin. Kesa walang gawin at mag iingay lang ang mangyayari.

Naisipan kong magpatulong nalang sa kanila. Sa paggawa ng mga holloween decoration. . Malayo pa lang naririnig ko na sila.. Papasok na ako sa room.

"oy anong meron guys! Malayo palang rinig na kayo.. Mga sgt. Of arms jan. Baka naman kahit isang beses gamitin nyu naman pagiging officer nyu. Hindi yung kayo pa ang pasimuno ng mga kalokohan manggulat! Boset! " sabay bagsak ng mga dala kong materials sa lamesa.

"teka lien galit kapa din! Kahapon kapa namin ginulat ah! " sagot ni james.

"talaga ba besh! Binully kana naman nila! " sabat ni anj na napa tayo na sa upuan.

"hayaan mona anj diyan lang naman sila magaling ang mang asar ng tao.! " sabay irap ko sa tatlo.

"lah! Pre beast mode na talaga si lien satin. Kasi kayo dalawa eh pasimuno kayo. " sabay yuko sa desk ni james

"yaan mo siya di din nya matitiis si pre jeffrey! Hahah" sabay nagtawanan silang dalawa.

Habang si jeffrey ay nakasandal lang sa upuan at nakatinggin sa bintana.
Nagsalita ulit ako sa harapan.

"guys! Patulong na lang sino mga marunong diyan mag drawing. Mag design tayo ng room for holloween. Kahit anong i drawing nyu basta related sa holloween like pumpkin or kahit ano basta creepy or scary tignan ok! Lapit kayo dito sa table may mga dala akong bond paper. Tenkyu " pagkatapos ay naupo na ako sa upuan ko pero dun ako sa table para malawak. Inurong ko lang ang upuan ko.

Lumapit naman sila at nanghingi ng paper. Nakakatuwa kasi kahit papano nakikinig naman sila sa akin. Lumapit din si mikko saken bitbit pa nga ang upuan niya.

"lien tulungan kita jan. Wala kasi akong talent sa pag drawing eh. Kaya kung pwede tulungan na lang kita mag gupit saka mag dikit. " ani ni mikko

"haha! Sige dito ka banda maupo. Nga pala mikko salamat ulit sa treat mo. " sagot ko.

"salamat din kasi nakasama kita nung birthday ko. Masaya ako sobra. " sabay ngiti ni mikko

"ay ay! Anong naririnig ko nag date ba kayo nung friday?.. "tanong ni anj

"ano ka ba anj! Hindi yun date sinamahan ko si mikko i celebrate ang birthday niya ikaw talaga anj" ako na sumagot nahiya tuloy ako kay mikko.

"haha! Pwde naman sa sunod yayain kita mag date. Ano ok lang ba sayo lien?.. " tanong ni mikko habang naka tinggin sa akin.

"hah!? A- Ano bang sinasabi mong date mikko. Bata pa tayo para diyan haha ikaw talaga mapagbiro ka din eh! " sabay kuha ko ng gunting at nag gupit maka iwas lang sa awkward na toh.

Nag gupit na din si mikko. Si anj naman natameme lang. Nilakihan ko na lang siya ng mata para sign na Tumahimik na lang din.

Madami na kaming natapos magupit. Yung iba inabot na din Yung mga drawing nila.

"lien san namin ilalagay tung mga drawing namin" tanong ni gino

"pag patungin nyu na lang dito. Mamaya titignan ko. lagyan nyu ng pangalan para ma tignan ko sino da best ang drawing. Salamat "..

natapos na ako mag gupit at saka kinuha ang mga bond paper na may mga drawing nila. Matignan nga sino da best mag drawing. Tumayo ako para ipapakita ko din sa kanila mga gawa nila.

"wow gaganda ng drawing nyu ah! Kanino tong drawing na pumpkin ang cute cute. Ah sayo gino talented ka din ah. "

"kasing cute ko yan haha" nagtawanan ang lahat.

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Where stories live. Discover now