70. WEDDING DAY ⛪💍

178 12 0
                                    

LIEN POV.

FEBRUARY 14 2019
At ngayon na nga ang araw ng kasal namin ni jeffrey.

Beach wedding siya at sa resort ni aileen sa batangas ang venue ng kasal namin. Dito kung saan muli kaming nagkita ni jeffrey after so many years simula ng magkahiwalay kami.

Nakakatuwa lang na sinagot ni aileen ang venue ng kasal namin. Di ba nakalibre pa. Mayaman na kasi siya simula ng maka asawa ng americano.

Isa din si aileen sa aking mga bridesmates kasama si rosaly,jade, anj, at ang girlfriend ni jerome na si nika.

Oo nagkagirlfriend na din si jerome at isang nurse si nika sa ospital na pinag tatrabahuan ni jerome.

At syempre ang bestfriend kong amazona na si anj at ang matalik na kaibigan ni jeffrey na si james ay magkasintahan na. Diba masyado lang kasi silang in denial sa isat isa.

Si rosaly naman ay nililigawan na ni jayson ngayon. Si mikko at jade ay malapit na ding ikasal.

Andito kami sa kwarto kung saan ay minimake-up an. Kami kasama ang mga bridesmates ko.

"beshh im so happy for you." sabay yakap sa akin ni anj.

"si anj talaga wag kana magdrama jan kasi masisira lang ang make up nyung dalawa ni lien. alam mo namang mababaw lang din ang luha nitong si lien" sabay hatak niya kay anj na nakayakap sa akin.

"ito naman si rosaly kahit kailan kontrabida. Pero besh wag ka iiyak mamaya ahh . Wag mo sirain ang make up mo ok!" tumango lang ako kay anj.

After ng make up namin ay nag kuha na ng litrato ang photographer namin. Diba sosyal may photo shoot pa kami.

"maganda dapat ako diyan kuya ahh!"sigaw ni charles sa lalaking  kumukuha ng litrato sa amin.

Matapos ay lumapit sa akin si mama.at niyakap ako.

"tignan mo nga naman ang anak ko. Parang kailan lang napaka bata mo pa. Tapos ngayon ikakasal ka na! Masayang masaya ako para sayo anak!" at umiyak na si mama.

"mama naman wag kana po umiyak sige ka masisira tong make up natin. Maraming maraming salamat ma sa lahat lahat, mahal na mahal po kita ma!" todo pigil ako sa pag iyak baka kasi magalit ung make up artist pag nagulo heheh.

Maya maya ay dumating ang organizer at pinalabas na ang lahat maliban sa akin dahil huli akong lalabas.

Pinagsuot na din ako ng wedding gown. Nakakatuwa lang kasi sobrang ganda ng gown ko para akong prinsesa sa isang fairytail.

Pero dahil nga beach wedding di naman ganun kahaba ang gown ko tama lang. Tapos naka flat shoes na white ako.

Nag aabang na ako at kasama ko si mama dahil siya ang maghahatid sa akin sa altar.

Ng marinig ko na ang song ay tinawag na kami ng organizer para lumabas na din.

Ng marinig ko na ang song ay tinawag na kami ng organizer para lumabas na din

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.
"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora