60. REUNITE BEACH PARTY 👙

189 9 0
                                    

LIEN POV.

Kinabukasan mga 7am na kami nagising at nabasa namin sa GC na ang breakfast daw ay mag sstart ng 07:30am till 9am.

Inaya ko na sila anj at rosaly na agahan namin para di namin maka sabay ang madami at baka magkaubusan ng almusal.

"talaga bang baka maubusan tayo ng ulam o baka may iniiwasan ka besh aminin" pang aasar ni anj.

"sino namang iiwasan ko aber! "
Sagot ko.

"joke lang besh tara na nga gutom na din naman ako. " sagot ni anj sabay yakap sa braso ko.

Pagpasok namin sa loob ay wala pa ngang tao. Paano ay 07:25am pa lang pero sabi ng nagbabantay ay ok naman na pwde na kaming kumain at naka handa na din naman ang mga pagkain.

Naupo na kami at dali dali akong kumuha ng pagkain. Kumuha ako ng bacon, egg, hotdog saka fried rice. Tapos nag kape ako.

"dami mong gutom besh. yan kasi kunti lang kinain mo kagabi ." puna ni anj..

"wala akong gana kagabi ehh!. Sige na bilisan na natin kumain baka mawalan na naman ako ng gana " sinubo ko ng sinubo ang mga pagkain na nasa plato ko.

Nakatalikod ako sa entrance kaya di ko napansin na may dumating pang iba.

"hi lien good morning! " bati ni gino na lumapit pa sa amin. Lumingon ako at nako naman magkasama na naman ang apat. Ano ba yan bat ang aga naman nila.

"hoy gino bakit ang aga nyu ahh!" tanong ni rosaly.

"hah? Bakit naman masama ba. Saka itong si Jeffrey ang namilit na pumunta na dito. nakita nya Lang kayo dumaan kanina nag aya na agad. " sagot ni gino. "ARAYY! " sigaw ni gino. Inakbayan kasi siya ni jayson at hinatak pa punta sa table nila.

"hi girls good morning, hi anj!" sabay kindat ni james kay anj.

"TSSee! " sigaw ni anj

"sungit mo pa din ahh! " nagtawanan silang tatlo. Maliban kay Jeffrey.

Nakakainis naman sumunod pa sila. Tapos malapit pa sa table namin sila pumwesto. Binilisan ko na ang pagkain at inaya ko na sila umalis.

"agad agad besh di pa nga ako tapos kumain ehh"sagot ni anj.

"ehh di bilisan muna kasi" bulong ko kay anj.

Pagtapos ni anj ay tumayo na kami para umalis.

"tapos na agad kayo lien.? "tanong ni gino

"hah? Ah oo mag lalakad lakad pa kasi kami sige mauna na kami gino" paalam ko. Iniiwasan kong hindi tumingin kay Jeffrey.

"wait sama ako lien-n! " sigaw ni gino. Napalingon kami sa kanya kasi parang nadapa ata siya.

"okay lang siya lien sige alis na kayo"
Sabi ni jayson na hawak nila james sa magkabilang braso si gino.

"Jeffrey bakit moko pinatid loko ka ahh! " narinig kong sabi ni gino.

Sabi na ehh kagagawan ni Jeffrey kaya nadapa si gino. Hay nako gawain niya talaga yan nuon pa tuwing nag seselos siya kay gino everytime na kinukulit ako. Wait nag seselos si Jeffrey ano ba tong iniisip ko eh.

4pm na at nag aya sila anj at rosaly na mag swimming daw kami. Dumating din si Charles sa room namin at nag aaya at wala naman na daw araw kaya bakit hindi kami mag swimming. Pumayag naman ako kasi alam nyu na dagat is ❤❤❤.

"besh suotin mo na yang two piece mo noh ang arte nito. Minsan lang ehh" pag pupumilit sa akin ni anj.

"kaya nga Lien di mo ba alam na si steph sa labas ay naka two piece dun at nagbibida bida. Nakakainis nga ehh napaka conyo pa " sabat ni charles.

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Where stories live. Discover now