46. RECORD TAPE 💾

159 12 0
                                    


JEFFREY POV.

Nakarating na kami ni ate jen sa bahay namin sa laguna. Dumeretso ako sa kwarto at saka nahiga.

Nakapikit na ako ng maalala ko yung envelope na inabot sa akin ni lien kanina. Dali dali kong kinuha sa bag ko yun.

Mukang ginawa pa niya ang envelope na toh. Magaling talaga si lien pagdating sa lahat ng bagay. Napangiti niya agad ako.

Binuksan ko na at isang record tape ang nasa loob kinuha ko ang walkman ko at saka pini play.

"hi Jeffrey ko! Naalala mo yung una tayong nagkita sa hall way pa puntang room natin. Di ko nga alam na klasmeyt pala tayo nun at alam ko nagalit ka sa pagkabangga ko sayo. Tapos natarayan pa kita. Pero alam mo ba kung ano ang totoo, ang pogi mo kasi magalet kaya tumalikod na lang ako saka tumakbo. Ayaw ko kasi makita mo na namumula ang pisngi ko. Oh napangiti ka ba? Ako din ehh every time na Naalala ko napapangiti ako kaya ito shini share ko sayo para kung nalulungkot ka. Isipin mo lang yun tapos ayun mapapangiti ka na.

Mag iingat ka palagi diyan, iintayin kita sa sungken tuwing sabado ah! Bawal kasi ako ng linggo kasi nagsisimba kami nila mama at papa. Mag hihintay ako sayo dun promise yan 😊

I love you jepoy ! 😘

Insert song of lien singing

Your love by jim brickman.

"Napangiti mo na naman ako lien, i love you too " bulong ko habang pinapakinggan ang pag kanta ni lien.

Kahit siguro maya maya ay pakikinggan ko toh at hinding hindi ako mag sasawa. namiss na agad kita lien.

nahiga at pumikit ulit ako habang patuloy na pinapakinggan sa record tape ang boses ni lien.

LIEN POV.

Pauwe na ako ng matakaw ko sila anj at rosaly sa harap ng pinto ng bahay namin. Timing sila at malungkot ako ngayon.

"beshy ko namiss kita " sabay yakap ni anj.

"kamusta lien ok ka lang ba? " tanong ni rosaly

"hah? Oo naman ok lang ako. " sagot ko

"keme mo beshy kita sa muka mo. Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa. " sabat ni anj.

"tama lien wag muna itago na malungkot ka alam naman na namin ang dahilan eh! " sagot ni rosaly

"korek! Beshy may balak ka ba papasukin kami? Init dto ehh! "

"ay oo nga pala sorry. Tara sa loob mukang may sasabihin pa kayong dalawa ehh " aya ko

Pumasok na kami sa loob, at dumeretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Saka nilapag sa lamesa at naupo sa tabi nilag dalawa.

"hayst sarap naman. Init kasi sa labas ehh! Nauhaw talaga ako. "- anj

"so ano na yung alam nyu na cucurios ako ehh. " tanong ko

"alam namin na ngayon ang alis ni jeffrey, kaya ngayon pinuntahan ka namin ni anj baka kasi naglulupasay kana sa lungkot dito eh! " sagot ni rosaly.

"ayy korek ka diyan. Expected ko nga ganun ung dadatingan natin " dagdag ni anj.

"Oo nga pala alam nyu na lilipat si jeffrey, oo malungkot ako pero nag promise naman siya na dadalawin niya ako. Magkikita kami every week end sa sungken at may tiwala ako sa kanya kaya dapat maging matatag ako di ba" sagot ko

"sure ka beshy? Alam mo tama yan love can conquer all sabi nga nila. Saka andito naman kami beshy"

"tama si anj. Andito kami lien kaya wala kang dapat ika lungkot" - rosaly

"salamat! Nga pala anong pinag kaka abalahan nyu sa inyu! " tanong ko

"wala nga ehh tambay tambay. Kaya gala tayo minsan. Sulitin natin ang bakasyon " -rosaly

"ay gusto ko yan tara beshy next week gala tayo ahh! " - anj

"ok sure! " sagot ko.

Kahit papano ay mababawasan ang pagka malungkot ko. Mabuti at may mga kaibigan akong lagi nandyan sa everytime na kailangan ko sila.

Maghapon tumambay sila anj at rosaly sa bahay . Nag movie marathon lang kami yung horror . Tawa at sigaw ang maririnig sa amin. Malamang siguro na gagalit na yung kapit bahay namin sa sobrang ingay namin.

6pm na at nag pa alam na sila anj at rosaly na uuwe na.. Kaya hinatid ko sila hanggang labasan sa may riles.
Pabalik na ako ng Magkasalubong ko si jerome.

"kamusta jerome?" bati ko sa kanya ng magkalapit na kami.

"ayos lang ikaw lien? Teka san ka galing ?" tanong niya

"ahh dinalaw kasi ako ng mga kaibigan ko sila anj at rosaly. Kauuwe lang nila" sagot ko

"ahh si anj ok. Uuwe ka na ba hatid na kita" sagot niya saka akbay sa akin.

"di na kaya ko na. Saka mukang may pupuntahan ka ingat ka na lang. Mauna na ako bye jerome " paalam ko. Umalis na ako di ko na inantay ang sagot niya. Sa totoo lang ayaw ko kasing may maka kita sa amin. mga tsismosa kasi mga kapitbahay namin kaya need mag ingat.

Paguwe ko ay nag asikaso na ako ng hapunan. Dahil maya maya ay uuwe na sila mama at papa. Nagluto ako ng tinolang manok . Tapos kumain na ako. Saka naligo at tumambay sa bintana.

Hindi ko na inaantay sila mama at papa. Kumakain na talaga ako mag isa nasanay na kasi ako. Binuksan ko ang bintana ko sa kwarto. Pansin kung Madaming star sa langit naalala ko tuloy yung prom night namin.
Yun din ang araw na sinagot ko si jeffrey.

"ano kayang ginagawa mo ngayon jepoy! Kumain kana kaya? O baka naman tulog ka na?. " di ko napigilan na maiyak. Sa totoo lang napaka babaw lang talaga ng luha ko.

Tinaas ko ang isang daliri ko at tinutok sa star saka isinulat ang name ni jeffrey gamit ang mga star. Sabi kasi sa nabasa kong libro kapag daw ginawa mo yun mararamdaman daw ng taong mahal mo na namimiss ka niya.

Matapos ay nahiga na ako sa kama ko. Pero ilang segundo lang ay naupo ako ulit. Hindi ako dinadalaw ng antok kaya kinuha ko ang gitara sa tabi ng cabinet ko.

On bended knee
By. Boyz II men.

Darling i can't explain where do we lose our way boy its driving me insane and i know i just need one more chance to prove my love for you and if you come back to me ill guarante that ill never let you go

Can we go back to the days our love was strong.
Can you tell me how a perfect love goes wrong
Can somebody tell me how to get things back the way they used to be oh got gave me a reason im down on bended knee.

Hindi ko na natuloy ang pagkanta dahil bumagsak na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Sinabi ko sa sarili ko na kaya ko pero ganto pala. Bakit parang ang dali sabihin na ok lang ako pero deep inside para akong kinakain ng lungkot ko..

Pero dahil nga nag promise ako kay Jeffrey na hindi ako iiyak at malulungkot . Pipilitin ko , masasanay din siguro ako. Pero ngayon ay hindi ko muna mapigilan ang sarili ko kaya binuhos ko na lahat ng luha ko. Hanggang sa makatulog ako.

"i just really miss you Jeffrey " 😢












📇📇📇📇📇📇📇📇....

.hi guys if you like this chapter just click the star 🌟 button for your voting on my story 👍

Thank you 👍❤

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Where stories live. Discover now