29. SUNKEN GARDEN.

201 13 0
                                    

LIEN POV.

matapos ang Christmas party ay nag ka ayaan kami pumunta at tumambay muna sa sungken garden. Bakasyon na kasi at sa January pa ulit kami magkaka kitaan mag kakaibigan.

Ako si anj, rosaly, at aileen. Sumunod naman sa amin ang tatlong mokong. Sila james, jayson at jeffrey. Dala ang gitara.

Pagkadating namin ay naupo agad kami sa tabi ng puno at sumilong dahil maaraw pa ng kunte.

"haiyst mamimiss ko kayo guys! Lalo na ang beshy ko na to!" sabay nag group hug kaming apat.

"sali naman kami jan! " sabat ni jayson.

"no way kayo na lang mag group hug na tatlo! " sagot ni anj. sabay tawanan namin.

Totoo naman sinabi ni anj. Mamimiss ko din sila syempre.

Napalingon kami ng tumugtog at kumanta si jeffrey. Nakikinig naman kami. Habang nakasandal sa puno at sinusulit ang masarap na hangin.

Nakatinggin si jeffrey sa akin at ganon din naman ako. Nakaka tawa lang kung iisipin mo kung paano kami nag ka kilala at paano kami mag away at mag asaran.

Tapos ngayon kami kami ang magkakasama. Oo na aaminin ko na din sa sarili ko na sobra ko ding mamimiss si jeffrey.

Tuloy pa din siya sa pag gitara at pagkanta. Sinasabayan naman namin siya.

Tawanan, kwentuhan, kantahan, asaran, yan ang mga ginawa namin dito sa sungken garden.

Hanggang hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako..

Napasarap ang tulog ko ng gisingin ako ni anj. Nag yaya ng umuwe. Nag paalam na sila tatlo. Pasakay na sila ng tricycle. Pa pasok pa kasi sa kanila ako naman ay jeep sasabay na lang ako kila Jeffrey.

"bye. Beshy! Mamiss kita. Hehe! Oy ingatan nyu ang beshy ko ahh lagot kayo sa akin pag may nangyari jan! " sabay kaway nilang tatlo. At naka alis na ang tricycle na sinakyan nila.

"tara na umuwe na din tayo!" aya ko sa tatlo.

"hindi mauna na kami ni james may pupuntahan pa kami diba james!" paalam ni jayson.

"ah ou si jeffrey ng bahala sayo lien! Paalam bro gudluck! " paalam din ni james.

Naka alis na ang dalawa at naiwan kami ni jeffrey dito sa sungken garden. Nagtataka ako sa kanila tatlo.

"tara na Jeffrey uwe na din tayo!" aya ko sa kanya.

"ahm. Ano kasi pwde mamaya na lang dito muna tayo! May sasabihin kasi ako" sabay kamot niya sa likod ng buhok niya.

"huh? Ano namang sasabihin mo?! Baka mamaya niyan wlang kwenta yan. Kaya tara na rin umuwe! " sagot ko.

Nagulat ako ng hawakan niya ako sa kamay. At napaharap ako sa kanya.
Magkatitigan kami. Kinakabahan ako sa sasabihin niya ewan ko ba.

"ano ba kasi yun Jeffrey! " pabulong na tanong ko sa knya.

Nakatitig lang siya sa akin. Kaya binitaw ko na ang kamay ko na hawak niya. Saka tumalikod sa knya at naglakad ng sabihin niyang..

"i like you lien! " - Jeffrey

napahinto ako saka napahawak sa dibdib. Hindi ko alam pero. Napako na ata ang paa ko sa kinatatayuan ko. Totoo ba toh. Gusto niya ako.

Lumapit siya sa akin. Saka hinarap sa niya ako sa kanya.

"i like you lien With all of my heart 💑💘😊.. "

Nakatitig lang ako sa knya di ako makapaniwala. Jusko totoo ba talaga.

"Jeffrey ano na nmang trip toh! Pwde ba hindi nakakatuwa. " nauutal na sagot ko.

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Where stories live. Discover now