54. I'M OKAY NOW 😅

141 9 0
                                    

LIEN POV.

Graduating na kami this year nila anj at rosaly. Yess magkaka klase kaming tatlo hanggang mag fourth year kami. Sila james at jasyon naman ay magka klase parin sa ibang section. nga lang Di na namin sila gaano nakaka usap. May mga girlfriend na din kasi sila.

At siyempre kaming tatlo naman ay nag stick together. Sabi naming tatlo saka na ang bf bf na yan. Sasaktan lang naman kami sa huli. Haha mga bitter na nga kami nahawaan ko siguro silang dalawa.

Pero wala naman na sa akin yun. Matagal na yun at naka move on na din ako. Andito kami sa room at malapit na mag uwian.

"Oy tulala ka ! Sino iniisip mo ako ba?" tanong ni jerome. ka klasmeyts ko din si Jerome kaya andito siya katabi ko sa room.

"kapal mo. Iniisip ka diyan" sagot ko saka sumandal sa upuan.

"eh bakit ka tulala diyan. Hmm wag mo sabihing-" hindi na natuloy ang sasabihin niya ng takpan ko ang bibig niya ng kamay ko.

"wag muna ituloy ok! Non sense lang naman ang sasabihin mo ehh! " sagot ko. Habang nakatakip ang kamay ko sa bibig niya daldal kasi ehh. Pero nagulat ako ng ikiss niya ang kamay ko. Nainis ako kaya hibampas ko yun sa balikat niya.

"hoy beshy bakit mo naman hinampas si Jerome. Mapanakit na teh ! San masakit jerome" lumapit si anj kay jerome saka hinaplos ang balikat nito na hinampas ko. Natatawa lang si Jerome.

"OA mo anj, tara na nga umuwe na tayo. Nagugutum na ako ehh! Rosaly tara" aya ko at kanina pa ako nakakaramdam ng gutom.

"maya pa beshy atat lang, maaga pa di pa tayo papalabasin sa gate" sagot ni anj na naupo na sa upuan Niya. Ang seating arrangement kasi namin ay sa gilid malapit sa bintana si rosaly katabi si anj, tapos ako at katabi ko naman sa kabila si jerome.

"gusto mo lien bilhan muna kita sa baba ng pagkain" kahit kailan napaka bait talaga sa akin ni jerome minsan naiisip ko tuloy na baka may gusto na sa akin ang tao na toh. Pero naalala ko kasi nung prom may sinasabi siyang girl na gusto niya. Kaya malabo siguro saka wala akong balak mag bf o ano pa man. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makapag tapos ng pag aaral para matulungan ko na si mama. Saka kaibigan lang talaga ang tinggin ko sa kanya.

"hindi na jerome malapit na din naman mag uwian ehh!salamat na lang" pang hapon kasi ang pasok namin kaya gabi na kami nakakauwe. At malamang nasa bahay na si mama at naka luto na. Simula ng mamatay si papa ay maaga na si mama nauwe. Para kahit paano daw ay naasikaso niya ako. Kaya mas lalo ako nagpupursigi para na din kay mama.

"Lien si mikko nasa labas hinahanap ka!"tawag ni rosaly. Kaya napalingon ako sa labas at oo andiyan nga si mikko.

Taga kabilang section na si mikko at klasmeyts niya si jade yung dating muse namin. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"oh bakit mikko? Tawag mo daw ako"
Tanong ko ng makalapit ako sa kanya.

"ahh. Lien gusto lang sana kita yayain kumain sa labas. My treat!"
Alok ni mikko. Galanti pa din talaga si mikko pagdating sa akin. Alam ko may gusto siya sa akin. Dahil umamin na sa akin siya nuon. pero ayaw ko siya paasahin dahil napaka buting tao ni mikko.

"ahmmm. Mikko kasi hindi ako pwede nag hihintay ang mama ko sakin. Saka mikk-!" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sumingit si Jerome .

"Lien tara uwi na tayo. Hatid na kita "
Pa akbay pa sa akin. Dala dala ang bag ko. Kinuha ko yung bag ko saka nag paalam kay mikko.

"sige lien next tym na lang siguro. Ingat ka pag uwe. " ngumiti ito saka bumalik sa room nila.

Kasunod sila anj at rosaly na lumabas ng room at niyaya na din akong umuwe.

Naglakakad na kami pa puntang sakayan ng jeep. Sila anj naman ay naka sakay na ng trycicle kasama si rosaly. Di naman din nag tagal ay nakasakay na kami ni Jerome ng jeep.

"oh wooh! why you give me a look like that! Did i do something wrong?" tanong ni Jerome habang nag lalakad kami pauwe. Kababa lang din namin sa jeep mabuti at walang traffic.

"wag mo nga ako ini English, English diyan. Alam ko ginawa mo noh!" sabay irap ko sa kanya.

"anong ginawa ko hindi ko alam! " maang maangan niya. Humarap siya sa akin. Sa tapat mismo ng muka mo. Masyadong magkalapit ang muka namin kaya napatigil ako.

" Tara na nga bilisan na natin umuwe kasi malamang nag aantay si mama saken." Pag iiba ko ng usapan.
Medyo na awkwardan na din kasi ako. Binilisan ko ang pag lalakad.

"wait Lien, antayin moko. Ikaw ang liit mo pero ang bilis mo maglakad" hindi ko na lang siya pinansin at mas nagmadali pa ako naglakad.

Nakauwe na ako ng bahay at andito na si mama kakatapos Lang niya magluto.

"ma mano po. Kamusta ang araw mo ma? " tanong ko kay mama habang tinutulungan ko siyang mag handa sa hapag kainan.

"ayos Lang anak ikaw ba kamusta?" napatingin sa akin si mama. Sa tinggin na yun alam ko na nag aalala pa din siya sa akin. Nalaman na kasi ni mama yung about sa naging boyfriend ko na si Jeffrey. Hindi naman siya nagalit dahil napagdaanan naman daw niya ang ganun.

"ako pa ba ma. Mana kaya ako sayo matapang! " lumapit ako kay mama saka nagbigay ng mahigpit na yakap.

"oh hala sige kumain na tayo at nagluto ako ng paborito mong tinolang manok. "

"ang sweet talaga ng mama ko eh! Salamat ma. Nga pala ma sa graduation ma aakyat ka sa stage kasi ma top 1 po ako sa klase " pa excite kong sinabi kay mama.

"wow talaga ba anak. Salamat naman sa diyos. Ang talino talaga ng anak ko. Sigurado ako na proud na proud ang papa mo sayo kahit wala na siya"
Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni mama.

"mama naman alam ko naman yun na sobrang proud kayo ni papa sa akin. Kaya nga nagpapasalamat din ako kay lord na kayo ang naging magulang ko. Napaka swerte ko po kasi nagkaroon ako ng mapagmahal na magulang. Kaya ma promise ko mas lalong pagbubutihin ko pa para sa inyu ni papa. " niyakap ko ulit si mama saka inangat ang ulo ko para hindi makita ni mama na tumutulo na ang luha ko.

Pagkatapos namin kumain ni mama ay naghugas na ako ng plato. saka naligo at umakyat na sa kwarto ko.

Wala naman na kaming assignment dahil tapos na ang mga lecture namin.
At graduation na Lang ang inaantay namin.

Napatinggin ako sa bintana napansin kong maraming star ngayon . Tumayo ako at lumapit sa bintana. Naalala ko si papa. Sabi niya iSulat ko lang ang pangalan ng taong namimiss ko gamit ang mga star. At sabi din ni papa ang mga star daw ay ang mga taong mahal natin sa buhay na pumanaw na.

"alam ko pa isa ka sa mga star na andiyan sa langit. Alam ko din na lagi mo kami binabantayan ni mama. Pa miss na miss na kita. Wag ka mag alala diko po papabayaan si mama. Pangako din pa na hindi na ako malulungkot ng sobra. Pasensiya kana din po pa kung napabayaan ko si mama at ang sarili ko dahil sa pagkawala mo. Pero promise ko magiging matatag na ako ngayon para kay mama at para din hindi na po kayo mag alala. Mahal na Mahal kita pa. "

Bumalik na ako sa higaan at hinayaan ko ang sarili ko na lumuha. Pero ang Luha na toh di dahil sa malungkot ako. kundi dahil sa wakas alam ko na sa sarili ko na natapos na ang lungkot sa puso ko. Lungkot na mas lumala ng mawala si Jeffrey.

I'm going to fix my self and to love my self 😊..


























📇📇📇📇📇📇📇📇.....

Hi guys if you like this chapter just click the star 🌟 button for your voting on my story .

Thank you and godbless ❤

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Where stories live. Discover now